The Powerful Princess Chapter 41: Mosquigirl __________________________________ Someone POV (2) / Sean POV Sana nabasa mo aking mahal. Sana mapatawad mo ako kapag nalaman mo ang mga ginagawa ko at kahit sa kaunting oras ay nagawa kitang maisayaw at makasama. Nandito ako ngayon sa isang puno habang pinapanood syang binabasa ang aking sulat habang umiiyak. Gusto ko mang punasan ang iyong luha ngunit hindi ko magawa sa maraming dahilan. Sa huling sulyap, tumalikod na ako at umalis. Hindi ko pala kayang panoorin kang umiiyak. ___________________________________ Third person POV Walang kaalam-alam si Anica na kanina pa pala nakikinig ang tatlo sa kanya dahil sa kaunting uwang ng kanyang pinto. Kahit sound proof ang kanyang kwarto, nagagawa pa rin siyang marinig ni Ella dahil sa ka

