Tight skinny jeans and crop top blouse ang napili n’yang isuot. ‘Yan lang kasi ang hindi masyadong nagpapakita ng skin sa mga dala n’yang damit. Nasabihan s’ya ng asawa na huwag masyadong magsuot ng mga halos nakikita na ang katawan n’ya. Hindi nga n’ya alam kung bakit pati pananamit n’ya pinakikialaman na ng asawa ngayon. Nakasanayan na rin kasi n’ya ang mga ganoong uri ng pananamit sa New York. Kahit halos hubad ka na, okay lang, dahil halos ganoon naman lahat ang suot ng mga kaedaran n’ya. Pinagkaiba nga lang n’ya, she’s married. Paglabas ng silid, nakasalubong n’ya si Giovanni sa may pasilyo. Nagkatitigan sila. Her husband is really breathtaking. "You ready?" tanong nito, habang hindi nakaligtas sa kanya ang pagsuri nito sa kabuuan n’ya. Tumango lang s’ya sa asawa. May hatid na n

