PROLOGUE

1314 Words
Pat's POV "Bitawan mo nga ako!" sabi ko sa kanya habang hawak nya ang kamay ko. "Paano kung ayaw ko?" habang nakataas ang kaliwang kilay at ngumiti ng nakakaakit. "I will sue you!!" sabi ko at tumingin ako ng deretso sa kanya. "Then, do it and I will kiss you 'till you moan my name." he chuckled. "Bitawan mo kasi ako!!!" naiiyak na ako sa sobrang higpit ng hawak nya sa braso ko. Hanggang sa nanghina at naiyak na ako, di ko na nagawang pumalag pa dahil alam kong mas malakas sya kaysa sa akin. Maya-maya, naramdaman kong niluwagan nya ang pagkakahawak sa braso ko kaya napatingala ako sa kanya. Saktong pag tingala ko ay sinalubong nya ako ng halik. Habang hinahalikan nya ako wala akong magawa dahil parang nanigas ang mga tuhod ko at di ako makagalaw. Nang tumingin ako sa kanya, nakita kong nakapikit lang sya at ang nararamdaman ko lang ngayon ay pagkagulat. Nang mahimasmasan ako, tinulak ko sya at sinampal ko sya ng malakas at tanging mapait na ngiti lang ang nakita ko sa kanya tapos nag salita sya. "Di ko manlang alam na ikaw yun and that's bullsh*t para baliwalain lang yung mga nangyari. You know, I miss you so much and it's been 10 years since we saw each other at hindi mo manlang naisipang magpakilala sakin, ginawa mo akong tanga." he tsked and tears came out from his eyes. Tapos bigla syang umalis at iniwan ako na nakatulala habang sinisync in sa utak ko yung mga sinabi nya. Anong ibig sabihin nya sa "I miss you so much?" napahawak ako sa labi ko nang maalala ko ang nangyari kanina, nalalasahan ko parin ang wine sa pag-halik nya. Pumasok ako ng C.R. at nag hilamos. "Wala yun pat, it's just a kiss...my first kiss." nang na-realize ko yun napasampal ako bigla sa mukha ko. My first kiss was taken by him... Sinusubukan kong kalimutan ang mga nagyari pero di ko talaga kaya. Pagtapos ko mag hilamos ng mukha ko. Bumalik ako sa table kung nasaan ang mga dati kong mga classmates na ngayon ay mga kasamahan ko na sa trabaho yung iba. This is our class reunion after 10 years namin na paghihiwalay magkakaklase. This reunion was sponsored by him, hinahanap sya ng mga mata ko pero di ko sya makita siguro umalis na sya, mabuti at para narin di ako mailang kasi pakiramdam ko kanina pa sya nakatingin sakin. "Cheer guys!!!" sabi ng isang kaklase kong lalaki tapos inangat nya ang baso na may wine, kaya nag sabi kaming lahat ng cheers at uminom na sila. Tapos na ang reunion namin kaya napag desisyonan kong umuwi na, napa tingin ako sa relo at nakita kong 11pm ná pala kaya nagmadali akong lumabas ng venue. "Ako na ang maghahatid sa kanya pat." sabi ni ron isa sa mga kaibigan ko, sya na daw ang maghahatid kay 'Tin, bff ko. "Okay sige basta ingatan mo yan ha nagwawala yan kapag ganyan na lasing." tapos nagtawanan kami at nauna na silang umalis gamit ang 2 seaters na sasakyan nya.. Nag aabang ako ng pwede kong masakyan na taxi pero wala nang dumadaan kaya tinignan ko ulit ang relo ko '11:15pm' na kaya napag desisyonan kong maglakad nalang pauwi kahit 1hour ang aabutin ko sa paglalakad. Habang naglalakad ako, sa di kalayuan may nakita akong lalaki na nakaupo sa semento sa harapan ng sasakyan, nagtaka ako kaya nilapitan ko sya. Habang palapit ako ng palapit, mas nagiging clear ang hitsura nya na walang iba kundi si kiel, lasing na lasing at mag isa sa gilid ng kalsada habang may hawak hawak na beer. Nilapitan ko sya kasi mukha sya ng tanga dun kakaawa naman kahit nag away kami kanina, di ko parin magawang magalit sa kanya ng todo. "Are you okay?" tanong ko saka ko nilahad ang kamay ko. "O-oh yes miss I'm fine, I'm just waiting for someone and you better go because if she see us together, s-she will be mad at me again." napatigil ako, siguro nga at lasing na lasing ito dahil pati sya ay di nya makilala sa sobrang kalasingan, kaya naki-ride ako at nagpanggap na di nga kami mag kakilala, this is the right time to ask some questions to you kiel. Before that, I help him to stand up but he just look at me and said..."I said go because if she see us talking with each other she will get mad." kaya umupo nalang ako sa tabi nya. "Sino ba kasi yung hinihintay mo?" tanong ko habang pinapagpag yung sahig na uupuan ko. "My girlfriend." mabilis nyang sagot habang nakayuko at naka pikit. "Your girlfriend?... Anong pangalan nya?" gulat kong tanong at agad naman sya ng sumagot. "Her name is pat, Patricia Anne Ford, my one and only girlfriend, do you know her?" tapos tumingin sya sakin. Gulat na gulat ako ng sabihin nya yun at ang wierd kasi parang ang saya sa feeling nung sinabi niyang girlfriend nya ako. "Hindi ko sya kilala, wag mo na siyang hintayin dito baka kanina pa yun umuwi." sabi ko tapos tumingin sya sakin, mukhang antok na antok na sya. Pina akbay ko yung braso nya sakin para matulungan ko sya ng makatayo. "I know, yun lang naman alam niyang gawin, yung palagi akong iniiwan." para akong nanghina nung sabihin nya yun sakin. Sobrang guilty na ang nararamdaman ko ngayon. "Where's your car, and the key?" pag iiba ko sa topic. "N-nasa bulsa ko yung s-susi." sabi nya kaya kinuha ko yun agad. Ilang saglit habang binubuksan ko yung sasakyan nya, nakita kong tumakbo sya papunta sa pinaka gilid ng kalsada at naririnig kong sumusuka sya. iinom ng marami, di naman pala kaya... Pinuntahan ko sya at saka ko sya inalalayan papasok ng sasakyan nya. "Dito ka nalang muna ngayong gabi, lasing ka baka kung ano pa mangyari sayo. Kanina galit, ngayon naman nag aalala tsk. Paalis na sana ako ng bigla nya akong hinila papasok ng sasakyan kaya ngayon naka patong ako sa kanya at niyakap nya akong bilga, ang bilis ng mga pangyayari pero malakas sya at di talaga ako makawala. "You're here my princess. I miss you so much." nakangiting sabi nya habang nakatingin sakin. Mag kayakap parin kami ngayon at automatic na nag sara yung pinto ng kotse nya kaya ang awkward ng position namin. Nakayakap lang sya sakin. Sinubukuan ko ulit kumawala sa pagkakayakap nya ng bigla sya ng magsalita sapat lang para marinig naming dalawa. "Don't leave me again, please...?" wait.. Umiiyak ba sya? Nakita kong nangingilid ang mga luha nya at ako naman di ko na rin napigilan ang luha ko pero di ko pinarinig sa kanya. Pagka guilty ang nararamdaman ko at di ko na kayang makita pa na nasasaktan sya kaya pinatong ko nalang ang ulo ko sa dibdib nya saka ako yumakap sa kanya at rinig na rinig ko ang pag t***k ng puso nya. Ang bilis ng pagtibok at natutuwa ako kapag naririnig ko yun. Medyo nakakaramdam na ako ng antok at maya maya di ko namamalayan na nakatulog nako. A/N: Hi guys sana nagustuhan nyo ang prologue na ito. Sa totoo lang guys si kiel talaga ang pinaka main character natin dito kaso para maiba naman, ginawa kong point of view nalang ni pat. Actually guys, meron talaga akong account dito sa watty yung original kaso gumawa ako ng bago kasi maraming nakakakilala sa akin dun kaya wala ng privacy hehe... Sana magustuhan ninyo itong story na gagawin ko at sana suportahan niyo din, susubukan kong magpaka sweet hanggang sa maging asukal ako hahaha jwk! Gusto ko na makaramdam kayo ng kilig kila Pat at Kiel. Di ako magsasabi kung kailan ako mag uupdate kasi baka tamarin ako hahaha. See you on my next update guys thanks for reading... Dark_Prinze
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD