“Huwag kang kabahan. Isipin mo nalang isang napakalaking auditions ang sasalihan mo." aniya na biniro ako. “Hindi madali, pero nakakaexcite ng dahil sa yes or no ang isasagot lang." Ano bang pinagsasabi niya? Baliw na ata 'tong isa na 'to. “Walang pwede na pamilian mula sa dalawa. Pero Milca, once na makuha mo ang YES, maaari ka ng magtatalon sa tuwa. Kung NO, okay lang naman. Dahil kahit anong sabihin niya. Dito ka pa rin magtatrabaho kasama ko." anito na sabi ng baliw na kasama ko. “Ganoon ba siya kapili sa mga tao niya?" “Hindi naman. Pero ganoon siya kahigpit sa mga tao niya lalo kung 'di niya gusto. Kaya kahit minsan ayawan niya. Ipipilit ko pa rin naman ang gusto ko. Mahirap kaya na walang sekretarya, biruin mong ako lahat ang gumagawa. Ako ang nagiging utusan at alila sa tuwing

