IVAN'S POV'S “Nasaan na ba si Milca?" “Malay ko, ang sabi nasa banyo pa rin. Masakit raw tiyan ng wala naman akong matandaan na kinain nun maliban sa ininom niya. Heto nga, hindi pa nga nauubos. Umalis na agad at tumungo sa banyo." aniya na naisagot at tugon sa kaibigan na kasama namin ni Milca. Kangina pa, isang oras na siya mula sa banyo ng hindi pa bumabalik rito. “Puntahan mo na kaya? Palagay mo? Baka ano na nangyari ron. Baka mamaya nabastos na ng mga lalake rito." “Sabagay tama ka, sige at tutungo na ako sa banyo ng matingnan kung ano bang nangyari sa kanya at wala pa rito. Nag-aalala na rin kasi ako at bakit hindi pa bumabalik ang sabi mag-CR lang. Wala naman sinabi na sumakit ang tiyan dahil kung ganon. Baka nag-aya na rin siyang umuwi. Hindi ang magtambay sa banyo." aniya ko

