CHAPTER 18

2513 Words
Nang maihanda na ang mga invitation cards ay binigay ko na ang mga ito sa mga imbitado. Binigyan ko sina Mama at Ading na masaya para sa akin. Unang beses namin itong maranasan at halos maluha si Mama sa galak "Masaya ako para sa 'yo Anak. Deserve mo ito dahil mabuti kang anak," sabay yakap sa akin "Salamat, Ma. Salamat sa lahat ng sakripisyo mo para sa amin ng aking kapatid," niyaya ko si Ading para magkayakapan kami. Masaya rin ang aking puso dahil sinabi sa akin ni Conrad na dadalo si Chairman. Sa wakas ay magkikita na kami. Isang masquerade party ang gaganapin. Kahit hindi ko man makita ang kanyang mukha dahil naka maskara kami, sapat na sa akin na kasama ko sya. Inabot ko rin ang imbitasyon kay Eros habang breaktime namin, "Wow, Elle, thank you. I'm happy for you," "Salamat, Eros. Aasahan kita ha?" "Oo naman, hindi ko palalagpasin ang birthday party mo," Nagkakwentuhan pa kami ni Eros sa campus nang lumapit ang aking mga kaibigan, "Hi Papa Eros! Dadalo ka sa party ni Elle?" tanong ni Scarlet "Hi Scarlet! Oo, inimbita ako ni Elle," Pumalakpak naman si Scarlet, "Yes, dadalo si Papa Eros! Ikaw ang magiging date ko sa party ha," "Mangarap ka bakla. Aray!" angal ni Petra nang sabunutan sya ni Scarlet Nagtawanan na lang kaming magkakaibigan. "Eros, mauna na kami. Kailangan na naming pumasok sa susunod na klase," sambit ko "Alright Elle, take care," Habang naglalakad kami ng mga kaibigan patungo sa aming classroom ay hinila ako ni Berna, "Bes, sorry ha. Gusto ko lang naman kasi kayong magkausap ni Sir Matt, kaya tinulungan ko sya," "Bes, gustung gusto kitang kurutin noong isang araw! Bakit ba kasi gusto mo kaming magkausap?" "Don't you see the difference Elle? Mas masaya ka ngayon kaysa noon na iniiwasan mo sya!" "Bes, masaya ako dahil dadalo si Chairman sa aking birthday party," "Si Chairman ba talaga? Yung totoo Bes, hindi maitatago kapag masaya ang puso," may halong kilig sa tinig nito "So, nagkaayos na kayo?" pang uurirat pa nito "Wala naman kaming dapat ayusin," sagot ko "Hay nako, ang arte ninyo pareho! Anyways, invited ba sya?" "Oo," tugon ko. Hindi ko maitatanggi na naging karamay ko si Sir Matt noong panahong inaway ako nina Karen at tinulungan nya rin ako nang mastranded kami sa malakas na ulan kaya nararapat lang na suklian ko ang kanyang pagmamalasakit. Ang balak ko ay puntahan sya mamaya sa kanyang opisina para personal na iabot ang imbitasyon. Pilyang ngumiti sa akin si Berna, "Kinikilig ako sa inyo!" Natawa na lang ako sa kaibigan. Palibhasa ay tapos na ang finals ay maagang natatapos ang klase. Nagbilin lang ang aming professor ng deadline ng essay na kailangan naming isumite. Pagkatapos ng klase ay nauna nang umuwi ang aking mga kaibigan. Dumiretso na ako papunta sa opisina ni Sir Matt. Hindi ko rin maintindihan at bakit excited ako na iabot sa kanya ito nang personal. Tama si Berna, marahil ay nakatulong ang pag uusap namin. Pagkalabas ng elevator ay nakita ko na ang pintuan ng kanyang opisina. Wala naman sigurong bisita dahil hapon na at isa pa, magkaibigan naman kami kaya binuksan ko na ang pinto at pumasok Ang saya na aking nararamdaman ay napalitan ng hindi ko maintindihang sakit ng kalooban. Naroon sya kasama si Taylor habang pareho silang nakatayo at magkahinang ang mga labi. Nakayakap pa si Taylor sa braso ni Sir Matt. Sa kirot ng aking dibdib ay nabitawan ko ang hawak hawak na invitation card at agad na umalis. Tumakbo ako papunta sa elevator habang walang tigil ang pagbagsak ng aking luha. Bakit sobrang sakit? Umasa ba ako? Bakit ako naniwala sa lahat ng sinabi nya? Bakit kaya nyang pasayahin ang puso ko, pabilisin ang t***k nito, at saktan nang ganito? Bakit kasi ang tanga ko? Alam ko namang hindi kami pwede at hindi ako ang tipong pipiliin nya, pero bakit hinayaan kong maramdaman ito? Patuloy ako sa pagtakbo nang mayroon akong makabunggo. Nang iangat ko ang tingin ay natagpuan ko si Eros, "Elle, what happened?" Mistula akong nakahanap ng kakampi. Napayakap ako kay Eros at nagsumiksik sa kanyang dibdib habang patuloy ang paghikbi. Tahimik lang si Eros habang inaalo ako. Nang bahagya akong tumigil sa pag iyak ay dinala muna ako ni Eros sa paborito naming coffee shop "Okay ka na ba? Ano bang nangyari?" Pilit kong pinatatag ang kalooban, "Kahit hindi lubusang okay, pero kahit papaano ay tumigil na ako sa pag iyak," "Wag na muna nating pag usapan kung bakit," dagdag ko "Eros, salamat pala," "Anytime. Inumin muna natin itong milkshake para hindi ka pumanget," nakangiti nitong sabi. Pagkatapos namin sa coffee shop ay inihatid na ako ni Eros sa bahay. Habang nasa kwarto ako ay kinuha ko ang aking phone at nakita ang mga missed calls mula kay Sir Matt. Binalewala ko ang mga ito at itinabi na ang aking celphone. Kinabukasan ay nadatnan ko si Sir Matt na nakatayo malapit sa dinadaanan ko papunta sa aming silid. Malayo pa lang ay nakatingin na ito sa akin ngunit dire diretso akong naglakad at hindi sya binigyan ng pansin. Dumaan ang maghapon sa eskwela at tulad ng dati ay iniwasan ko sya. Kaninang tanghalian ay sumama sila nina Sir Morgan sa amin na kumain sa cafeteria. Pansin ko ang manaka nakang pagtingin sa akin ni Sir Matt ngunit binalewala ko ito. Habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep ay may bumubusina sa aking sasakyan. Paglingon ko ay nakita ko ang kanyang sasakyan kaya lalo kong binilisan ang paglalakad. Ilang sandali pa ay may humablot sa aking braso, "Elle, please, let's talk," "Bitawan nyo ang braso ko," mariin kong sabi "Sumakay na muna tayo sa sasakyan, please," "Bitawan nyo nga ako!" pasinghal kong sabi Dahan dahan nyang binitawan ang aking braso siguro dahil pansin nyang mainit na ang aking ulo. Sinamantala ko naman ito para tumalikod na at umalis, ngunit hinawakan nya ulit ako, "Elle, ano bang problema? Why are you being difficult?" Mapakla akong tumawa, "Difficult?" "Ano ka ba? KSP? Bakit ba gusto mong palagi kang pinapansin? Ni hindi nga natin kilalang kilala ang isa't isa," dagdag ko "I know you saw me and Taylor in the office. Nakita ko ang invitation card sa sahig. Let me explain," "Explain what? Wala kang dapat ipaliwanag dahil wala naman akong pakialam sa inyo," "Isa pa Sir Matt, professor lang ang tingin ko sa inyo. Dapat ganun din kayo, dapat mas alam nyo yan. Dahil nakakahiya sa ibang tao kapag--" "Nakakahiya? So ikinahihiya mo ako Elle?" "I don't give a damn to what other people will say! Everything I felt is real," inilagay nya ang kanyang kamay sa kanyang dibdib, "I have been patiently waiting for months. I thought you just need space para makapag focus ka sa pag aaral at makapag isip kaya tiniis ko, pero I did not realize na ikinahihiya mo pala ako," dagdag nito Kumirot man ang aking puso ngunit nagmatigas ako, "Hindi ako naniniwala sa 'yo. Nakita ko ang dapat kong makita," Tumalikod na ako at umalis. Bukas na ang aking kaarawan ngunit basang basa na ang aking unan sa aking paghikbi. Kahit pilit kong isaksak sa aking isip na hindi ako dapat magpaapekto ay mas nananaig ang kirot na nadarama ng aking puso. Kinabukasan ay nagtaka si Mama dahil namamaga ang aking mga mata. Nag dahilan na lang ako na napuyat ako kagabi. Kasalukuyan akong inaayusan ng baklang hair and makeup artist na ipinadala ni Conrad. "Girl, ngumiti ka naman. You're having a party kaya dapat masaya ka!" "Uh, pasensya na," pilit man akong ngumiti pero kita sa aking mga mata ang aking dinaramdam. Buti na lang at may isusuot akong maskara upang takpan ang kalungkutan sa aking mga mata. Pagkatapos naming maayusan ni Mama ay sumakay na kaming tatlo kasama si Ading sa sasakyan para ihatid kami sa hotel. Pagdating ko sa hotel ay nakita ko na ang mga kaibigan, kaklase, at ilang mga propesor na masayang bumati sa akin. Mga nag ayos at magaganda ang kanilang kasuotan habang bumagay ang mga suot nilang maskara na nagtatakip sa kanilang mga mata. Sinalubong din ako ni Eros na may hawak na bouquet ng bulaklak at inabot sa akin, "Happy birthday, Elle," "Salamat," tugon ko Sina Scarlet at Petra naman ay parang mga bulateng nilagyan ng asin sa pamimilipit dahil sa kilig, "Aww, sana all! Nasan yung roses ko, Papa Eros!" ani Scarlet na nagpatawa sa aming grupo Bagamat pilit kong inaaliw ang sarili sa mga kasiyahan at programang nakahanda, sa live band na tumutugtog, sa masarap na pagkaing nakahain at sa mga regalong natanggap, pakiramdam ko ay may kulang. Hanggang ngayon ay wala pa si Chairman. Kahit abala sa kamustahan kasama ang mga bisita ay panaka naka akong tumitingin kung dumating na ba sya. Gayundin, pilitin ko mang iwaglit sa aking isipan ay hindi ko maiwasang mag alala kay Sir Matt. Darating kaya sya? Sawayin man ng aking isipan ay may parte sa aking puso na umaasang dumating sya. Inimbitahan na ng host ang mga bisita na sumayaw sa dance floor. Una kong isinayaw ang aking kapatid. Pagkatapos ay lumapit sa akin si Eros, "May I have this dance with you, Elle?" Tumango ako. Nang matapos kaming magsayaw ay lumapit sa akin si Conrad, "Elle, nandito si Chairman. He's waiting for you sa kabilang ballroom," Tila nabuhayan ako ng pag asa nang malamang nandito si Chairman. Nagpaalam na ako kay Eros at agad na pumunta sa kabilang ballroom. Magkahalong kaba at excitement ang aking nadarama nang aking buksan ang pinto. Isang malawak na ballroom ang sumalubong sa akin. Ceiling to floor ang glass walls nito kaya kitang kita ang magandang skyline ng syudad. Ang modernong silid ay nabalanse ng isang eleganteng chandelier. Nakita ko ang isang matangkad na lalaking nakatayo at nakatalikod sa akin habang sya'y nakatanaw sa glass wall. Nakasuot ito ng isang 3 piece suit. Nang maramdaman ang aking pagpasok sa silid ay lumingon ito sa aking direksyon "Chairman," sambit ko habang dahan dahang humahakbang palapit sa kanya. Bawat hakbang ay palakas ng palakas ang t***k ng aking puso. Hindi ko akalain na ngayon ay nagkita na kami ni Chairman. Sa sobrang galak na aking nadarama ay tumakbo na ako palapit sa kanya at yumakap nang mahigpit Tila bahagya syang natigilan ngunit ikinulong nya rin ako sa kanyang mahigpit na yakap "Buti at dumating ka, sobrang saya ko Chairman," Ilang sandali kaming nanatili sa ganitong posisyon hanggang sa bumitaw sya ng yakap at iginiya ako papunta sa gitna. Kinuha nya ang aking kanang kamay habang isinampay nya sa kanyang kanang balikat ang aking kaliwang kamay. Ang kanyang kanang kamay ay pumulupot sa aking baywang at inilapit ako sa kanya. Nagsimulang tumugtog ang mini orchestra sa saliw ng The Gift. Habang isinasayaw ako ni Chairman ay pinagmamasdan ko ang pamilyar nyang mga mata. Bigla ko tuloy naalala ang isang taong kilala ko na mayroong ganitong nangungusap na mata. Si Sir Matt. Ngayong magkalapit kami ni Chairman ay gusto kong ilahad sa kanya ang bigat na nararamdaman ko. Ang sakit na dinaraing ng aking puso. Isinandal ko ang aking ulo sa kanyang dibdib at tahimik na humikbi. Payapa akong nakasandal sa kanya habang kami ay nagsasayaw. Sa aking puso ay ayoko nang matapos ito. Nais kong tumigil ang oras at h'wag humiwalay sa kanya. Nang matapos ang kanta ay hinawakan nya ang aking pisngi at banayad na iginiya upang iangat ang aking tingin sa kanya. Banayad nyang pinunasan ng kamay ang aking luha. Narinig ko ang katok mula sa pinto at nang lumingon ay nakita ko si Conrad, "Chairman, kailangan na pong bumalik ni Elle sa party," Bumaling sa akin si Chairman at pinisil ang aking kamay na hawak nya pa rin, "Go ahead," "Chairman, halika, ipapakilala kita sa pamilya ko at mga kaibigan," "Elle, kailangan nang magpahinga ni Chairman," sambit ni Conrad "Chairman," niyakap ko syang muli upang sulitin ang pagkakataong ito, "Salamat, salamat sa lahat," Bumitaw na ako sa pagkakayakap at tumalikod na upang sumunod kay Conrad. Sandali akong tumigil at lumingon muli kay Chairman. Tumango ito sa akin kaya sumunod na ako kay Conrad paalis ng silid. Pagkabalik sa party ay kahit paano naibsan ang bigat na aking nararamdaman dahil sa naging pagtatalo namin ni Sir Matt. Matapos ang ilang sandali ay lumapit muli si Conrad, "Elle, gusto mo ba ulit makita si Chairman?" "Opo, nasan sya?" "Nais ka rin nya ulit makita bago sya umuwi. Magkita daw kayo sa garden sa labas," Wala na akong inaksaya na oras at lumabas patungo sa garden. Pagkarating ay wala pa si Chairman kaya nanatili muna ako sa gazebo. Maliwanag dito dahil may ilaw na nakasabit. May mga bombilya ring nakalinya at nakasabit sa pagitan ng mga puno na nagbibigay sigla sa hardin "Elle," Paglingon ko ay natagpuan ko si Eros na palapit sa akin "Eros, anong ginagawa mo dito?" "Saan ka nagpunta kanina? I've been looking for you," Naaamoy ko ang alak mula kay Eros. Agad akong kinabahan nang lumapit pa ito sa akin at hinawakan ang aking mga balikat, "Eros, lasing ka," "Elle, matagal na tayong magkaibigan. Ang totoo ay matagal na akong may pagtingin para sa 'yo. Gusto kita, Elle," "Pero, Eros--" Nanlaki ang aking mata nang idampi nya ang kanyang labi sa akin. Pilit akong kumawala ngunit mahigpit nya akong ikinulong sa kanyang bisig. Habang magkahinang ang aming labi ay ang mukha ni Sir Matt ang pumapasok sa aking isip. Ang aking unang halik na sya ang umangkin. Hindi ko kayang ibigay pa ang aking mga labi sa iba. Buong lakas kong itinulak si Eros at sinampal sya. "I'm sorry Elle," "I'm sorry Eros, pero pagkakaibigan lang ang maibibigay ko," Tumingin ako sa paligid ngunit hindi ko nakita si Chairman. Umalis na ako para hanapin sya. Matapos ang paglalakad sa kabuuan ng garden, nakaabot na ako sa may parking area malapit sa gate. Wala nang mga dekorasyong bombilya dito at tanging poste ng ilaw ang nagbibigay liwanag. Biglang lumakas ang t***k ng aking puso nang makita ang pamilyar na lalaking naglalakad patungo sa kanyang sasakyan "Sir Matt," Bahagya syang tumigil ngunit nagpatuloy na naglakad papunta sa kanyang sasakyan. Awtomatiko akong humakbang palapit sa kanya, "Kanina ka pa ba? Bakit hindi kita nakita? Uuwi ka na ba?" sunud sunod kong tanong Nanatili syang nakatalikod sa akin, " Uh, oo. Kailangan ko nang umuwi," "Pwede ba tayong mag usap? Tungkol sa nangyari noong isang araw," "Tama ka Elle. Professor lang ang tingin mo sa akin at dapat ay tanggapin ko iyon. Makakaasa ka na hindi na kita guguluhin. You deserve someone better," Hindi ko maintindihan ang gumuhit na sakit sa aking dibdib nang marinig ang mga sinabi nya. Dapat ay matuwa ako dahil ito naman ang gusto kong mangyari base sa aking isip, pero bakit mas lalo akong nasasaktan? "Happy birthday, Elle. I wish you all the best," Pumasok na sya ng kanyang sasakyan at umalis na Namalayan ko na lang ang sarili na tahimik na lumuluha habang papalayo ang kanyang sasakyan. Natanggap na ni Sir Matt kaya dapat ay mas lalo akong magpakatatag na panindigan ang sitwasyon, dahil ako naman ang umiwas noong una pa lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD