Unang araw ng klase matapos ang sem break kaya maaga akong naghanda pagpasok sa eskwela. Pagkadating ko sa aming classroom ay natagpuan ko na si Scarlet
"Hi, Scarlet!" bati ko
"Hey Elle! Kamusta ang bakasyon?"
"Okay naman, enjoy dahil kasama ang family. Ikaw, kamusta?"
"Heto, nakapag recharge ng beauty!"
Sumunod na ring dumating sina Berna, Petra at Zach
"Bes! Kamusta na? Di na tayo nagkita mula nung nag away kayo ni Karen,"
"Mabuti naman, nakatulong din yung bakasyon para makapagpahinga ako,"
"Ang balita ko kinick out ng school sina Karen at yung mga kaibigan nya," ani Petra
"At least hindi tinotolerate ng management ng university ang mga mali nilang ginawa," dagdag naman ni Scarlet
Hindi na ako nagkomento pa tungkol kay Karen at sa mga kaibigan nito. Naawa man ako dahil sa sinapit nila ay mayroon ding code of conduct na dapat sundin at hindi katanggap tanggap ang kanilang ginawa.
Dumaan ang aming mga klase at nakilala namin ang mga bagong professor sa ibang mga subjects. Magkakasama pa rin kaming magkakaibigan na nag lunch break sa canteen,
"Bakla, bakit malungkot ka?" tanong ni Petra
"Paano, hindi na natin prof si Papa Matt!"
"Wala namang nakaka inspire sa mga prof natin," dagdag pa nito
Agad naman itong sinaway ni Petra, "Huy, tigilan mo na yan, baka marinig ka pa ng iba!"
"Ibang subject ang hinahandle ni Sir Matt, narinig ko kasi kanina yung nasa ibang college, mga kinikilig," ani Berna
Mula ng gabing iyon ay pinangako ko na sa sarili na iiwasan ko na si Sir Matt. Ayokong madistract sa aking pag aaral at nakakahiya kung hindi ako makakatapos. Ayokong sayangin ang pagkakataon na binigay sa akin para bigyan ng magandang buhay ang aking pamilya.
Ngunit bakit ganito ang nararamdaman ko? Sa totoo lang, may parte sa akin na umasang magiging professor pa rin namin sya sa isa sa mga subjects. Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis lalo na't nagtuturo sya sa ibang klase.
Bakit ba hindi ka nag iisip Elle? Halos lahat ng babae ay nahuhumaling sa kanya. Ilang babae na ba ang nakita mong kasama nya? Siguro may magaganda ring babae sa kabilang klase na nilalandi rin nya.
Bakit ba kasi ang tanga ko? Umaasa ba ako na totoo ang mga pinakita nya sa akin? Ang mga tingin nya, ang pagiging maalaga nya, ang kanyang halik, totoo ba ang mga iyon? Sa tingin ko ba ay magkakagusto sya sa katulad ko? Bakit ba kasi hinahanap hanap ko ang halik at yakap nya?
Tila mababaliw na yata ako sa halu halong pag iisip at pagkainis na rin sa sarili. Dapat hindi ko hinayaang maniwala ako at umasa sa mga pinakita nya. Pakiramdam ko ay ako ang nahulog sa sariling patibong.
"Bes, okay ka lang ba?" Naputol ang aking mga pag iisip sa tanong ni Berna
"O-okay lang naman," tugon ko
"Oh my, Sir Matt!" tili ni Scarlet
Nang lumingon ako ay palapit sa aming mesa sina Sir Morgan at Sir Matt.
"Hey guys! Namiss nyo ba kami ni Matt?" nakangising tanong ni Morgan
"Sir Morgan, sorry but si Sir Matt lang ang namiss ko," pabebeng sagot ni Scarlet
"Ang landi!" sabay tapik ni Petra sa balikat ni Scarlet
"Ouch! Papa Matt ang shaket ng balikat ko!" natawa naman ang mga kasama ko kay Scarlet
"Aray ko naman Scarlet, wala bang nakamiss sa akin dito?" pabebeng tanong ni Sir Morgan
"Sir, tama na yan. Bakit nga ba wala kayong kinuhang subject sa class namin?" ani Petra
"Hay nako, tanungin nyo itong si Matt. Dapat may class kami sa inyo, ayaw naman nyang kunin!"
"I have my reasons, Morgan," tugon ni Sir Matt
"Ayaw nyo ba sa amin Sir?" tanong ni Scarlet
"Definitely that's not the reason," sambit ni Sir Matt at saglit na tumingin sa akin, "I have some personal matters to attend,"
"Anyways, ililibre daw tayo ni Matt ng drinks. Ako na ang magdrive sa atin," ani Morgan
"Wow!" tugon ni Scarlet
Tumayo na ang aking mga kasama nang magpaalam ako, "Uh, pass muna ako,"
"Bakit Elle? Sandali lang tayo doon, we still have plenty of break time," ani Sir Morgan
Nahuli ko rin na seryosong nakatingin sa akin si Sir Matt
"Pasensya na, may kailangan kasi akong basahin sa library,"
"Elle, simula pa lang ng klase gusto mo naman perfect na sa seatworks!" ani Scarlet
"Uh, oo may kailangan kasing basahin si Elle," pagsegunda sa akin ni Berna.
"Okay then. Mauna na tayo," malamig na tugon ni Sir Matt
"Anong gusto mo Bes? Okay ka lang ba?" ani Berna
"Wala, Bes. Okay lang ako, ayoko lang muna lumabas ngayon," nakangiti kong sabi
"Okay," tugon nito at sumama na sa mga kaibigan
Dumiretso naman ako sa library. Mas maganda nang ganito. Nalilito at naguguluhan lang ako sa aking nararamdaman. Habang lumalayo ako sa kanya ay mawawala rin ang kung anumang nararamdaman ko.
Matapos sa library ay nagtungo na ako sa aming silid aralan para sa susunod na klase. Dumating na rin ang aking mga kaibigan at bitbit ang kanilang mga drinks mula sa sikat na coffee shop
"Para daw sa 'yo," nangingiting inabot sa akin ni Berna ang isang strawberry frappe.
"Bes, hindi ako umorder," nagtataka kong tugon
"Bes, pinag order ka ni Sir Matt," may halong kilig sa tono ng boses nito.
"Pero," agad naman akong pinutol nito, "Bes, hindi naman sa nangingialam ako sa inyo ha, pero mag usap nga kayong dalawa!"
"Wala naman kaming dapat pag usapan,"
"Bes, h'wag kang masyadong manhid, hindi mo ba nahahalata yung mga efforts nya?"
"Bes, pasensya na pero h'wag na nating ituloy yan. Alam naman natin na hindi pwede," tugon ko
"So may gusto ka rin sa kanya?" tanong nito na tila kinikilig sa tono ng kanyang boses
"Wala akong gusto sa kanya,"
"Sabi mo eh," tugon nito, "Basta Bes, habang lalo mong pinipigilan, lalong aalpas kung ano ang nasa puso mo,"
Hindi na ako umimik pa kay Berna. Bagkus ay itinuon ko na lang ang pansin sa tinuturo ng aming guro.
Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan. Itinutok ko lamang ang aking atensyon sa pag aaral at iniwasan si Sir Matt. May pagkakataon na niyaya nya kaming lahat para sabay sabay na maglunch sa labas ngunit tulad ng una ay hindi rin ako sumama. Hindi naman sya nangulit at hindi rin nya ako kinompronta. Marahil ay nahalata na rin nyang lumalayo ako sa kanya simula noong bakasyon.
Tanging mga kaibigan ko lang ang aking kasama. Minsan naman ay akong mag isa sa library. Kahit kay Eros ay dumistansya rin ako para wala nang masabi pa at hindi na mabigyan ng kulay ng iba ang aming pagkakaibigan. Bagamat nagtaka rin sya noong una ay naunawaan naman ako ni Eros nang ipaliwanag ko sa kanya ang kagustuhan kong tumutok sa pag aaral. Busy na rin sya dahil graduating na sila kaya marami rin silang inaasikasong requirements.
Madalas ay nakikita ko si Sir Matt sa malayo kung saan naroon kami ng mga kaibigan tuwing breaktime.Kahit na balitang balita ang mga kinikilig na babaeng estudyante mula sa kabilang college, hindi ko sya napansing kasama ang isa sa mga ito. Bagkus ay magkasama sila ni Sir Morgan tuwing kakain o kaya naman ay nag uusap sila. May mga pagkakataon na nakikita ko syang nakatingin sa akin mula sa malayo ngunit hindi ko na lang pinapansin.Madalas ay nagpapadala na lamang ito ng inumin o kaya ay pagkain sa aming grupo sa tuwing may group study o project kaming ginagawa.
Heto kami ngayon at abalang nagrereview para sa aming finals. Nasa silid kaming magkakaibigan nang dumating si Scarlet bitbit ang mga inumin at pagkain
"Guys, grabe, ang sweet ni Papa Matt! Drinks at pizza daw para sa atin habang nagrereview tayo!"
Nahuli ko namang pilyang ngumiti sa akin si Berna, "Tama ka Scarlet, ang sweet talaga ni Sir Matt. Swerte ang babaeng magugustuhan nya!"
"Aba Berna! Wala nang ibang babaeng magugustuhan si Papa Matt! Kahit di nya aminin, alam ko may lihim syang pagtingin sa akin!"
Muntik namang mabilaukan si Zach kaya nagtawanan na kami. "Hoy bakla! Delusion na yan, magreview na tayo," natatawang sagot ni Petra
Matapos ang pagpupuyat sa pagrereview ay sa wakas tapos na ang aming final exams. Mabilis na dumaan ang panahon at tapos na ang aming first year sa kolehiyo. Nauna nang umuwi ang aking mga kaibigan dahil may mga kanya kanya pa silang lakad, habang ako naman ay palabas pa lang ng gate.
Habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep ay napukaw ang aking pansin sa bumubusinang sasakyan. Nang lumingon ako ay nagkabuhul buhol na naman ang t***k ng aking puso sa pamilyar na sasakyan. Huminto ito sa aking tapat at may lumabas mula sa pintuan ng driver's seat
"Elle, ihatid na kita,"
"S-sir," naglalaban ang aking isip at puso kung sasama ba ako sa kanya. Iniwasan ko sya ng buong semestre pero tila lalabagin ko ang utos na aking ginawa sa sarili dahil sa kanyang mga nangungusap na mata
"Please," lumapit ito sa akin at ako'y tila nahipnotismo at hinayaan syang kunin ang aking bag at sumunod na pumasok sa sasakyan. Tulad ng dati ay sobrang tahimik namin sa loob ng sasakyan. Gulung gulo ang aking isip at tila gusto kong kurutin ang sarili dahil bumigay na naman ako at sumama sa kanya. Bakit ba nagiging marupok ako pagdating sa kanya!
"Do you want to stop over for some drinks?"
"Uh, hindi na Sir,"
Tumingin ito sa akin saglit at tumango. Nagpatuloy sya sa pagmamaneho hanggang sa tumigil kami malapit sa aming subdivision.
"Elle," his husky voice sent shivers to my skin. Ngayong malapit kami sa isa't isa ay napagmasdan kong mabuti ang kanyang mukha. His eyes are tired and his stubbles are starting to grow. Halata ring bahagyang pumayat ang kanyang mukha at katawan.
"Are you mad at me from what happened that night? Kaya ba iniiwasan mo ako?"
Hindi ako makaimik sa kanyang tanong at bagkus ay yumuko at nilaro ang aking mga daliri. Hindi ko maintindihan ang t***k ng aking puso. Ngunit tila lalabas na ito sa aking dibdib nang bigla nya akong kinulong sa kanyang mga bisig
"I'm sorry. I might have gone too far,"
"I think I'm going crazy this whole semester. I missed you. Damn, I missed you so much,"
Ilang sandali at tahimik pa rin kami sa kotse, "I will wait until you are ready. But please, h'wag mo akong iwasan,"dagdag nito
Tila mabibingi na ako sa lakas ng t***k ng aking puso. Akala ko ay maayos na ako dahil naiwasan ko sya ng buong semestre pero bakit nasasaktan ako kapag nasasaktan sya? Bakit sa isang yakap lang ay nayanig na naman ang pader na ginawa ko sa aming dalawa?
Kung magpapaubaya ako sa aking nararamdaman, alam ko namang hindi kami para sa isa't isa. Para akong tumataya sa isang sugal na alam kong hindi rin ako magwawagi.
"Sir," lakas loob akong bumitiw sa kanyang yakap at pilit na ipinakitang hindi ako apektado. "Kalimutan na natin ang nangyari noon. Pareho lang tayong nabigla. Noong gabing nalasing ako, hindi ko alam ang aking ginagawa. Kaya kung anuman ang ginawa o sinabi ko noon, kalimutan nyo na yon. Mas mabuti nang iwasan na natin ang isa't isa,"
"But Elle, please," hinawakan nito ang aking mga kamay at parang dinudurog ang aking puso habang pinagmamasdan ang mga mata nyang nasasaktan
"I'm sorry Sir," pilit akong bumitaw sa kanyang hawak at bumaba na ng sasakyan. Diretso akong naglakad patungo sa aming bahay. Pagod na ako. Siguro dahil ito sa exams, o kaya naman ay sa paglalakad, pero mas pagod ang aking puso.
Pagdating ko malapit sa aming bahay ay nadatnan ko ang sasakyan ni Conrad sa harap. Pumasok ako sa amin at nakita sya na nakikipag usap kina Mama at Ading sa sala
"Anak, mabuti at nandito ka na. May sasabihin sa 'yo si Conrad," bati ni Mama
Ngumiti ako at nagmano kay Mama. Binati ko rin si Conrad, "Good afternoon po,"
"Good afternoon din Elle. Naparito lang ako para sabihin sa 'yo na ipaghahanda ka ni Chairman ng party. Alam nya kasi na hindi mo pa naranasang magkaroon ng debut party, kaya gusto nya na magdaos ng party para sa iyong birthday sa susunod na linggo,"
Tila naiwan ko ang aking isip at puso kung saan ko iniwan si Sir Matt kaya parang mga tunog lamang sa aking pandinig ang mga sinabi ni Conrad
"Anak, okay ka lang ba? May masama ba sa pakiramdam mo?"
Agad naman akong natauhan mula sa aking mga iniisip, "Uh, pasensya na po. Ano po ulit yung sinabi mo, Conrad?"
Tila nag alala rin ang mukha nito dahil sa pagiging lutang ko, "Elle, ang sabi ko ay ipaghahanda ka ng party ni Chairman para sa iyong kaarawan,"
"Salamat po at pasensya na kung hindi ko kaagad naintindihan,"
Ngumiti naman si Conrad, "Mukhang napagod ka yata sa final exams nyo,"
Buong gabi akong hindi makatulog. Paulit ulit na pumapasok sa aking isipan si Sir Matt at tila ako ang mas nasasaktan sa nangyari kanina.