CHAPTER 10

3744 Words
Abala ang aming klase sa pagpaplano para sa paparating na Brigada Eskwela. Hinikayat kami ni Sir Morgan na makiisa sa aktibidad na ito para tulungan ang isang maliit na eskwelahan. Ginawa na rin nya itong isa sa mga requirement para maipasa ang kanyang subject. Bukod sa pagtupad ng requirement ay gusto rin naming magkakaibigan ang makatulong. Nahati ang aming klase sa iba't ibang komite at ang aming grupo ang nakatoka sa kabuuang pagpaplano ng programa. Punong abala sa amin si Petra. Organisado at mahilig mag ayos ng mga ganap kaya sya ang pinili naming lider. "Guys, ito ang program proposal na ipapakita natin kay Sir Morgan. May iba pa ba kayong suhestyon?" ani Petra "Okay naman ang program flow. Kamusta na pala yung mga gagamitin para sa repaint at pag aayos ng mga classroom?" ani Berna "Tanungin natin sina Karen," sambit ni Scarlet. "Nakontact nyo na ba ang partner hardware natin na magdodonate ng mga gamit?" baling nito kina Karen "I don't want to waste my time with that dugyot guy! He's so irritating! Ang hirap kausap!" "So, anong ibig mong sabihin Karen? Hindi nyo pa naayos ang mga gamit? Sa Sabado na ang brigada eskwela," nag aalalang turing ni Petra "And who are you para utusan ako?!" ani Karen "Hoy ikaw na tipaklong ka! Umayos ka! Gawin mo nang maayos ang nakaatang sa 'yo, hindi yang nag iinarte ka!" sambit ni Scarlet. Muntik nang magsabunutan ang dalawa nang awatin namin sila. "Guys! Anong nangyayari dito?" tanong sa amin ni Sir Morgan na kararating sa aming silid kasama si Sir Matt. "Sir, may problema tayo, hindi pa pala naaayos ang mga gamit na kakailanganin natin," sumbong ni Zach Bumaling naman si Sir Morgan kay Karen, "Karen, hindi ba't ikaw ang naka assign na makipag negotiate sa partner hardware? Bakit hindi pa naaayos, malapit na ang activity," "Sir! Ang hirap namang kausap ng stupid guy na nandun sa hardware!" "Karen, sa pananalita mo pa lang, no wonder at hindi ka talaga pagbibigyan ng may ari ng hardware. He has been our partner in the previous brigada eskwelas and you must have pissed him off by your rude demeanor," ani Sir Morgan "Sir, if I may, ako na lang po ang kakausap sa may ari ng hardware. Baka sakali mapakiusapan," pagkukusa ng isa naming kaklase. "Alright, thank you. Let me also call him before you talk para makahingi rin ng pasensya," "Sir Morgan, Petra, okay na yung food para bukas. Nakausap na po namin ni Elle ang concessionaire," ani Berna "Thank you Berna and Elle" ani Sir Morgan. "Anything else na hindi pa natin na cover?" dagdag nito "Sir, yung sa sasakyan po para bukas, isang van lang ang pwedeng iprovide ng kausap natin. Base sa bilang, may isang hindi makakasakay," ani ng isa naming kaklase mula sa transport committee. "I will bring my pick up. Doon nyo na rin ilagay ang mga pagkain," ani ni Sir Matt "Thanks Dude! Buti na lang, kaibigan kita," sabay tawa ni Sir Morgan "Ayun! Maayos na. Bes, ikaw na ang sumabay kay Sir Matt," Nagulat naman ako sa sinabi ni Berna. "Bakit si Elle?!" naiinis na maktol ni Karen "Karen, kasama ko si Elle na nakatoka sa mga pagkain. Kaya mas maganda na kasama na sya ni Sir Matt na kunin ang mga pagkain at dalhin sa venue," sagot ni Berna "Oo nga, at h'wag ka nang magreklamo dyan, hindi mo nga magawa nang maayos ang nakatoka sa 'yo!" ani Scarlet. Muntik na namang magsabong ang dalawa kung hindi namin napigilan. "Uh, Bes, ikaw na lang ang sumabay kay Sir Matt. Tutulong na lang ako sa mga ipapagawa ni Petra," sambit ko "Bes, manonood kasi kami ni Scarlet nang inaabangan naming episode kaya magkatabi na kami sa sasakyan," pangangatwiran ni Berna. Tila nagkabuhulbuhol na naman ang t***k ng aking puso kapag naiisip na magkakasama na naman kami sa isang sasakyan lalo na nang magtagpo ulit ang mga mata namin ni Sir Matt na mukhang kanina pang tahimik na nakamasid sa akin. Agad kong ibinalik ang atensyon sa pinaguusapan at agad na sinupil ang nararamdaman. Naiilang man ako ay hindi na ako umapela. Pinilit ko na lang isipin na para lamang ito sa school activity, wala nang iba. Kinagabihan ay nag ayos na ako ng mga gamit para bukas. Nagpaalam na rin ako kay Mama na sasama ako sa brigada eskwela na gaganapin. Naghanda ako ng isang tshirt at bimpo at isinilid sa loob ng aking bag. Kinabukasan, maaga akong gumising para tumulong kay Mama sa paghahanda ng pagkaing babaunin nila ni Ading sa tindahan. Pagod na si Mama sa pagtitinda ng buong linggo at dahil weekend naman ay ako na ang nagprisenta. Iniluto ko ang minarinate naming baboy kagabi upang maging adobo. Nagsaing na rin ako ng kanin. Pagkatapos ay nag ayos na ako ng sarili. Nang matapos na kami sa paghahanda, lumabas na ako para tumawag ng tricycle na maghahatid kina Mama at Ading sa tindahan, at sa akin papunta sa sakayan ng jeep papuntang university. Ngunit ang laking gulat ko nang makita sa labas ng aming gate si Sir Matt na nakatayo sa tabi ng kanyang sasakyan. "S-sir, ano pong ginagawa nyo rito?" "Uh, naisip ko kasi na mas mabuti siguro kung sunduin na kita sa bahay nyo kesa sa mamasahe ka pa papunta ng school. Anyway, dadaanan din naman natin ang mga pagkain sa school cafeteria," Nakasunod na rin pala sina Mama at Ading na lumabas sa gate. "Kuya Matt! Good morning po!" masiglang bati ni Ading Napangiti naman si Sir Matt, "Good morning Ading! Taas ng energy ah," "Good morning Ma'am," bati nito kay Mama "Magandang umaga rin Hijo," "Ma'am, balak ko po sanang ihatid si Elle total kasama rin po ako sa Brigada Eskwela. Ihatid ko na rin po kayo sa inyong pupuntahan," "Nakakahiya naman sa 'yo Hijo, pwede naman kaming magcommute," ani Mama "Ma'am, hayaan nyo po sana akong ihatid na kayo para hindi rin po kayo mahirapan, lalo na marami po kayong dala," Pumayag na si Mama. Inabot naman ni Sir Matt ang aming dala dala at ipinasok sa sasakyan. Inalalayan nya rin sina Ading at Mama na makapasok sa sasakyan habang sa tabi naman ng driver's seat ako naupo. Idinaan muna namin sina Mama at Ading sa tindahan. Si Sir Matt na rin ang tumulong na magbukas ng tindahan. Nagpasalamat kami ni Mama kay Sir Matt. Pagkaraan ay dumiretso na kami sa university para kunin ang mga pagkain sa concessionaire. Matapos kong bilangin ang mga breakfast at lunch boxes upang tiyakin na kumpleto ay inilagay na namin ito sa sasakyan. Inilaan ko na ang mga breakfast boxes para sa aking mga kasamahan at nagtira ng dalawa para sa amin ni Sir Matt. Nang magkitakita kami ng aking mga kaibigan at kaklase sa parking area ng university ay inabot ko ang mga breakfast boxes upang makakain na rin sila habang nasa byahe. Sabay sabay na rin kaming umalis papunta sa tutulungan naming eskwelahan. Inabot ko ang isang breakfast box at binuksan ito. Narito ang nakabalot na sandwich na inorder namin ni Berna. Binuksan ko ang balot na tama lamang para may makagat at inabot ito kay Sir Matt. Bahagya naman itong nagulat sa aking asta ngunit inabot na rin ang sandwich "Salamat," sandali syang tumingin sa akin at ibinalik ang mga mata sa daan "Salamat din po sa paghatid sa amin," "Kumain ka na rin, marami pa tayong gagawin sa brigada eskwela mamaya," bilin nito Tumango naman ako dahil gutom na rin ako. Tahimik naming kinain ang aming mga sandwich habang nasa byahe. Inabot din ng isang oras ang byahe. Halos sabay sabay kaming nakarating sa isang simpleng paaralan sa malapit na probinsya. Agad na rin kaming bumaba at nagtungo malapit sa stage ng paaralan kung saan gaganapin ang programa. Nag umpisa ang event sa panalangin na pinangunahan ng principal. Sinundan ito ng isang marcha ng drum and bugle ng paaralan. Nakakaaliw pagmasdan ang mga batang estudyante na naghanda rin para sa aming pagdating. Pagkatapos ay umawit ang isang guro ng national anthem. Pagkaraan ay nagbigay ng panimulang mensahe ang principal. Nagpasalamat ito sa aming university para sa pagpunta at pagtulong. Pagkatapos ay umakyat ng stage sina Sir Morgan at Matt upang iabot ang donasyon mula sa pamunuan ng university. Tuwang tuwa ang mga faculty at ang mga mag aaral at kanilang mga magulang na naroon dahil bukod sa paglilinis ngayong araw ay may donasyon ang aming university para sa mga bagong kagamitan ng eskwelahan. Matapos ang maliit na programa ay nagsimula na kami sa paglilinis. Nauna nang dumating dito ang mga gamit na dinonate ng partner naming hardware kaya naging maayos ang aming aktibidad. Nakatoka kami nina Berna at Petra sa pagwawalis ng paligid. Si Scarlet naman ay sumama sa grupo ng mga nagpipinta ng mga silya. Si Zach naman at ibang mga lalaki ay tumutulong sa pagkukumpuni ng mga silya at mesa. Tumulong din ang mga guro at magulang. Sina Sir Matt at Morgan ay tumutulong sa mga ama at lalaking guro sa pagkakarpintero ng ilang bahagi ng paaralan. Bitbit ko ang isang drum para ilagay ang mga nawalis na naming mga tuyong dahon at kalat. Habang itinatapon ang mga basura mula sa dustpan ay hindi ko maiwasang mapatingin kay Sir Matt na kasalukuyang naglalagari ng kahoy. Inalis na nya na ang jacket kanina at tanging manipis na shirt ang kanyang suot kaya bakat na bakat ang matipuno nitong katawan at tila inukit nitong mga muscle sa braso. Basa na rin ang kanyang shirt dahil sa pawis na tumutulo mula sa kanyang ulo patungo sa dibdib at likod nito. Saglit itong tumigil at hinubad ang kanyang pang itaas at pinunasan ang kanyang pawisang ulo. Biglang nag init ang aking mga pisngi nang mapagpasdan ang pamilyar na itsura ng kanyang hubad na katawan. Kahit pawisan ang katawan at magulo ang kanyang buhok ay tila maayos pa rin syang tignan "Bes, baka malusaw si Sir," pilyang pang aasar ni Berna Natauhan naman ako mula sa pagtitig kay Sir Matt. "Uh, hindi ah. Hindi ko naman sya tinitignan," pagsisinungaling ko dahil sa sobrang hiya. Tumawa lang si Berna. "Tara Bes, doon na tayo sa kabila magwalis," anyaya ko. Matapos ang kalahating araw ay nagtipon tipon muna kami sa inihandang mesa para magtanghalian. Buti na lang at nakapwesto kami sa may covered court at presko ang hangin. Bukod sa baon naming lunch boxes ay naghanda rin ang eskwelahan ng mga ulam at dessert kaya tila nagmistulang fiesta ang aming napuntahan. Dahil na rin sa pagod at sa masasarap na ulam ay naubos naming lahat ang baon at pati ang mga inihandang ulam. Nagpahinga muna kami ng ilang minuto bago bumalik sa pag aayos at paglilinis ng eskwelahan. Sinamantala na rin namin upang mag ayos ng sarili at magpalit ng mga baong tshirt. Nang matapos ay bumalik na kami sa aming toka. Naghati hati kaming magkakaibigan sa mga lilinising silid aralan. Sinimulan ko ang pagwawalis ng sahig. Pagkatapos ay kumuha ako ng timba at isinahod sa isang gripo sa labas. "Ako na ang magbuhat nyan," alok ni Sir Matt "H'wag na Sir, kaya ko po ito." Ngunit tila hindi ako nito pinakinggan dahil binuhat nya pa rin ang timba ng tubig. "Just tell me saang classroom ka naglilinis," Sumunod na lang ako sa kanyang sinabi at nauna nang maglakad para ituro sa kanya ang silid aralan. "Salamat Sir, kaya ko na po dito," isinawsaw ko sa timba ng tubig ang aking panlampaso "Tulungan na kita para mabilis na tayong makatapos. Tinutulungan din ng iba ang mga kasamahan mong naglilinis," Tumango na lang ako at nagpatuloy na sa paglalampaso. Lumabas si Sir Matt para mag igib ulit ng tubig para gamitin naman sa pagpupunas ng ibang gamit sa silid. Nang makabalik sya ay tahimik lamang kaming naglinis. Tapos na akong maglampaso at naglalakad para tulungan sya sa iba pang lilinisin nang bigla akong mapatili dahil sa pagkadulas. Buti na lang at maagap akong nasapo ng kanyang mga bisig. Ngunit tila nawalan ako ng balanse kaya nahila ko na sya pabagsak sa sahig. Agad na nasapo ng kanyang kamay ang aking ulo kaya laking pasalamat ko na hindi ako nabagok. Pagmulat ko ng aking mga mata ay tila hindi ako makahinga sa bilis ng t***k ng aking puso nang mapagtanto kong nasa ibabaw ko sya at sobrang dikit ng aming mga mukha. Ramdam ng aking mukha ang kanyang paghinga at naamoy ko rin ang mint na nanggagaling sa kanyang hininga. Salitan nyang tinignan ang aking mga mata kaya naman parang gustong kumawala ng aking puso sa lakas ng t***k nito. Ngayong sobrang lapit ng aming mga mukha ay para rin akong nalulusaw na pagmasdan ang kanyang magandang mukha. Muntik na akong mawala sa sarili nang biglang mapagtanto ang isa nyang kamay na nakasapo rin sa aking pang upo! Nanlaki ang aking mata at bigla syang tinulak. Sya naman ngayon ang napahiga sa sahig samantalang ako ay agad nang bumangon. "Hey! Why did you push me?" iritado nitong tanong "Ikaw na nga ang tinulungan, tinulak mo pa ako!" dagdag nito at umupo mula sa sahig. "Paanong hindi ko kayo itutulak eh nakahawak na kayo sa aking pang upo! Bastos!" galit kong sagot. Lalo naman itong nairita, "Una sa lahat, hindi ko sinasadya na mahawakan ang pang upo mo. I had no choice but hawakan ka or else, masasaktan ka sa pagkabagsak sa sahig!" Tumayo ito at lumapit sa akin. Muli ay nagkabuhul buhol na naman ang aking puso. Pilyo itong ngumiti at hinawakan nang mahigpit ang aking balikat. Pilit akong nagpumiglas ngunit malakas sya, "I am not pervert, Ms Santos. But if you want, I can be. Besides, as if hindi ko pa yan nakita at nahawakan noon," Lalong nagsalubong ang aking kilay sa galit at nagkaroon ng lakas para makawala at itulak sya. Tumalikod na ako paalis. Narinig ko naman syang pilyong tumawa habang ako'y papalayo. Natapos na rin ang event at naghanda na kami para sa pag uwi. Makulimlim na rin ang panahon kaya mabuti at natapos na ang aming gawain. Muling nagpasalamat ang faculty at mga magulang na nakiisa sa gawain. Nauna nang makaalis sina Sir Morgan at ang aking mga kaklase at kaibigan samantalang natira pa kami ni Sir Matt dahil inayos pa ang mga gulay at prutas na padala ng paaralan. Napagkasunduan kasi nina Sir Morgan at Matt na sa sasakyan na lang ng huli ilagay ang mga gulay at prutas at si Sir Matt na lang ang magdala sa school cafeteria para ipakain sa mga estudyante. Nang maibigay na ang mga pagkain ay sandali kaming nagpaalam sa principal. Habang naglalakad papunta sa sasakyan ni Sir Matt ay biglang bumuhos ang napakalakas na ulan kaya tumakbo na kaming dalawa para makapasok sa sasakyan. Mistula kaming naligo sa ulan dahil sa pagkabasa. Kinuha ko ang bimpo at pinunasan ang sarili. May kinuha sya mula sa likod at inabot sa akin ang isang malinis na tuwalya at tshirt. "Use this. Suutin mo itong extra Tshirt ko, basang basa na ang damit mo," "Huh? Dito ako magpapalit ng damit?" "I won't look. Go ahead," at may ginawa sya sa kanyang cellphone. Nag aatubili man ako ngunit tama sya. Basang basa ang aking damit kaya mas mabuting makapagpalit ako ng tuyong pang itaas. Hinubad ko na ang aking pang itaas. Kumulog at kidlat nang malakas kaya napatili ako. Bigla namang lumingon sa akin si Sir Matt kaya napadpad ang kanyang tingin sa aking malulusog na dibdib na natatakpan ng bra. Agad naman akong napa ekis ng braso para takpan ang aking dibdib. "Tumalikod ka!" sigaw ko Natigilan naman ito at napalunok habang nakatingin sa akin. Nang makabawi ay agad itong tumalikod. Mabilis kong sinuot ang damit. Hinubad nya ang suot na pang itaas at pinunasan ang sarili gamit ang tuwalya. Umalis na rin kami kaagad para makauwi na. Nang makaalis na kami sa probinsya ay matinding trapik naman ang sumalubong sa amin. Tumunog ang cellphone ni Sir Matt na syang sinagot nito, "Dude, nasan na kayo?" naka loudspeaker ang phone kaya dinig ko ang boses ni Sir Morgan sa kabilang linya "Kakalagpas lang namin ng expressway, sobrang trapik," "Dude, malapit na ang condo mo diba? Doon na muna kayo magstay, ang taas na ng baha. Marami na rin ang stranded," Nag alala naman ako sa sinabi ni Sir Morgan. Paano ako nito makakauwi sa amin? Tiyak nag aalala na sina Mama at Ading. Narinig ko pang pumalatak si Sir Matt. "Thanks Morgan, mukhang didiretso muna kami sa condo ko," at pinatay ang linya. Bumaling naman ito sa akin, "Let's stay muna sa aking condo. Delikado dahil mataas na ang baha at sobrang lakas pa rin ng ulan. Ako nang bahalang magpaalam kay Tita," "Tita?" tanong ko sa isip. "Kailan pa sila naging close ni Mama?" dagdag ko. Nagtiwala na lang ako na para rin sa aking kabutihan kung magpalipas muna ako sa kanyang condo hanggang sa tumila ang ulan. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa kanyang condo. Nanatili muna ako sa kanyang living area habang sya naman ay nagtungo sa kanyang kwarto. Paglabas nya ay may saplot na syang pang itaas at nakapagpalit na ng shorts. Dala dala nya ang isang malinis na tuwalya at isang pares ng Tshirt at shorts. Inabot nya ito sa akin, "Gamitin mo muna ito. You can take a bath sa loob ng kwarto. Dito ako sa CR sa labas maliligo," Tumango naman ako at pumasok na sa CR sa loob ng kanyang kwarto. Napaka elegante at moderno nito sa loob. Kumpara sa karaniwang CR ay mas malaki ito at mistulang isang kwarto na rin. Puting puti ang loob. Ang mga tiles sa gilid ay may disenyo na bumasag sa sobrang kaputian ng paligid. Mayroon itong toilet at bidet, sa isang tabi ay naroon ang bathtub, sa kabila ay ang powder area at sa isang sulok ay ang shower area na napapalibutan ng glass wall. Hinubad ko na ang aking damit at nagsimula nang maligo. Ang sarap ng maligamgam na tubig na nanggagaling sa rainshower at dumadampi sa aking balat. Mayroong bodywash at shampoo na nakalagay sa isang tabi at parehong mamahalin base sa amoy. Mukhang maalaga sa katawan itong si Sir Matt. Pagkatapos maligo ay nagtuyo na ako. Hindi ko na maisuot ang aking basang bra at panty kaya tanging Tshirt at shorts ang aking saplot. Itinabi ko na lamang ang aking maruruming damit sa isang plastic at isinilid sa loob ng aking bag. Lalabhan ko na lang ito sa amin at isasauli kay Sir Matt ang mga damit na ipinahiram nya. Kahit na may kulay ang aking saplot ay bakat pa rin ang umbok ng aking u*ong. Pinatungan ko na lamang ito ng tuyong tuwalya. Pagkalabas ng kanyang kwarto ay naabutan ko syang nagluluto sa kusina ng sinigang na baboy. Kumalam tuloy ang aking sikmura sa gutom. Naramdaman nya yatang nakatayo ako sa may dining table kaya lumingon sya, "Nandito ka na pala. Malapit na itong maluto," "Tulungan ko na po kayong maghain," Itinuro nya sa akin ang lalagyan ng mga pinggan at kubyertos kaya kinuha ko ang mga ito at inihain sa hapag. Sumandok din sya ng mainit na kanin mula sa rice cooker at naglagay sa isang mangkok. Gayundin ay nagsalok din sya ng ulam at inilagay sa isang malaking mangkok. Nang nakahain na ang lahat ay pinaghila nya ako ng silya hanggang sa makaupo. Naupo na rin sya at nagsimula na kaming kumain. "Ipinagpaalam na pala kita kay Tita," panimula nya "Naliligo ka pa kasi kanina pero tatawag ulit tayo sa kanya pagkatapos kumain," dagdag nito "Kamusta na po sina Mama at Ading?" "Ayos naman daw sila. Nasa bahay nyo na rin sila. Maaga na rin silang nagsara ng tindahan makapananghali dahil makulimlim na ang panahon. Walang baha sa mismong subdivision ninyo, yung dadaanan ang baha," Nakahinga naman ako nang maluwag. "Salamat," tugon ko Nagpatuloy kami sa pagkain at nang matapos ay nagprisenta na akong maghugas ng mga plato. Hindi naman pumayag si Sir Matt ngunit nagpumilit ako dahil nakakahiya na rin sa kanya. "Sige, ikaw na lang ang magpunas ng mga nahugasang plato," pagsuko nito Tumango naman ako at ginawa ito. Pagkatapos ay naupo muna kami sa kanyang sofa at tumawag kina Mama. Nag usap muna kaming mag iina habang si Sir Matt ay lumayo muna at pumunta sa isang kwarto na marahil ay kanyang opisina. Nang matapos ay kumatok ako sa opisina ni Sir Matt "Sir, heto po ang cellphone nyo. Salamat po sa pagpapagamit nito," Tumango naman ito. "Sa kwarto ka na matulog. Doon na ako sa sala," "P-pero Sir, nakakahiya po. Ako na lang po ang matutulog sa sala," "Elle, h'wag na tayong magtalo pa. Gusto ko na ring matulog, kaya pumasok ka na sa kwarto at doon ako sa sala," Bakas ang pagod sa kanyang mukha kaya sumunod na lang ako. Nahiga ako sa kanyang kama at unti unting bumalik ang mga alaala ng gabing iyon. Pinilit kong iwaksi iyon ngunit hindi ko mapigilang mapaluha at manliit ulit sa sarili. Madilim at malakas ang ulan sa labas. Tulad ng sitwasyon ko, kahit na may liwanag ng pag asa akong natatanaw, mayroon pa ring malungkot at madilim na puwang sa aking puso. Ngunit kahit na parte sya ng madilim kong nakaraan, hindi ko pa rin mapigilang mag alala sa kanya. Komportable kaya sya? Mayroon ba syang dalang unan at kumot? Naglalaban ang aking isip at ang aking pag aalala. Ayokong mahulog sa bitag ng kung anuman ang aking nararamdaman. Abala ako sa mga iniisip nang bigla ulit gumuhit ang kidlat at dumagundong ang sobrang lakas ng kulog. Sa lakas nito'y namatay ang lamp shade na nagbibigay ng ilaw sa aking bedside table. Sa sobrang takot ay napatili at napaluha na naman ako. Nanginginig ako at tahimik na lumuluha dahil sa takot at lamig nang maramdaman ko ang mga bisig na yumakap nang mahigpit sa akin. Lumingon ako at natagpuan ang mukha ni Sir Matt. Hindi ko maintindihan ngunit lalo akong napaluha at inilabas ang bigat ng aking kalooban. Hindi ko na alintana ang pagkahiya bagkus ay nagsumiksik ako sa kanyang dibdib at tahimik na humikbi. "Shhhhh," banayad nyang pag alo sa akin habang hinimas ang aking likod. Walang tanong na namutawi sa kanyang bibig. Hinayaan nya lang akong humikbi habang nakakulong sa kanyang mga bisig Sa mga sandaling ito ay hindi ko inakalang makakatagpo ako ng kapanatagan. Nanatili lamang kami sa ganitong posisyon. Hindi ko inasahan na ang taong parte ng madilim kong nakaraan ay syang nagparamdam sa akin ng init at liwanag sa kabila ng malamig at madilim na gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD