BIYERNES ng gabi. Dahil alas-tres ng umaga ang shift ni Loui ay Biyernes ng gabi pa lang ay umaalis na siya sa bahay, para hindi na siya mahirapang bumiyahe. Kasasakay niya lang ng bus at nakaupo na sa pwestong napili niya, kaya naman sumandal siya sa bintana. Kapag ganitong nasa biyahe siya ay hilig niyang makinig sa music, kaya dinukot niya ang cellphone mula sa kanyang bag. Bumungad sa kanya ang message na galing sa isang unknown number. Curious to know where the message is coming from, binuksan niya iyon at binasa. Unknown number : loui di ako makakapasok mamayang shift, host kasi ako sa church event namin bukas. Pakisabi na lang kay TL. salamat po. Sino naman kaya 'to? Kumunot ang noo niya sa pagtataka kung kanino galing ang message na iyon. Muli niyang binasa

