"We need to go back to Philippines after the Grand openning of my food company tomorrow," mahinahong ani ng binata habang nakaupo sa harap niya. Tango lamang ang sagot niya rito. Kasalukuyan siyang nakaupo.
"Anyway, nasa closet na lahat ng damit mo," dagdag ng binata at tanging tango pa rin ang sagot niya. His eyebrows knotted at her answers but he just heaved a deep sigh. Alam niynag masama pa rin ang loob ng dalaga sa kaniya.
"I want you to come with me tonight," agad namang napaangat ng tingin ang dalaga sa binata.
"Come? S-saan?" tanong niya rito. He loosened his tie and sipped his black coffee.
"At Prima Oara Hotel. May party ang business partner ko he invited me. And he's somewhat a close friend of mine. It's okay if you don't want to. I won't force you to come with me," ani ng binata.
"Sana sinabi mo sa akin 'yan noong hindi pa tayo kasal. You shouldn't force me not to be wed with you without even having my consciousness and consent. You set me up and now you are telling me that you won't force me? Of course you won't kuz you already did," puno ng pait na tugon niya sa binata. She can see how his jawline moved.
"That's not the f*****g answer I wanted to hear. But I guess that's a no. Okay then, you can watch TV. After all it will be broadcasted anyway," ani ng binata at iniwan siya nito sa sofa. Inis na sinundan niya ito ng tingin at huminga nang malalim. Humiga lamang siya sa couch at binuksan ang TV. For so many years ngayon lang siya nakapanood ng TV ulit na ilang oras din. Parang lahat bago sa kaniya. Ilang sandali lang ay may kumatok sa pinto.
"Room service," ani sa labas l, akmang tatayo siya nang mapansing nakabihis ang binata at parang bagong paligo pa ito. Naka three piece Armani suit ito at hindi niya maipagkakailang sobrang gwapo nito. His perfect jawline and a pair of seductive eyes, aristocratic nose, luscious lips and those thick eyebrows and wavy eyelashes any women would swoon over this man. Kulang ang salitang gwapo para e-depina ang pisikal na anyo nito. Idagdag mo pa ang aura nitong kasing lamig ng yelo. Napaka-seryoso at halatang sobrang mahal ng ngiti. She can still remember how mischievous this man was before. Pero nagbago lahat. Anyway, change is constant. Ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin nito at dire-diretsong lumabas matapos kausapin ang hotel attendant at sunod na ring lumabas. Tinignan niya ang mga pagkaing nakahain sa harap niya. Ni isa wala siyang alam kung ano ang tawag subalit nakakatakam naman tingnan. Ang tanging alam lang niya ay ang chocolate moussé at ang fresh lime juice. Agad siyang nanalangin at nagsimulang kumain. Inilipat niya ang channel ng TV at nakita ang isang napaka-engrandeng party. Ngayon lang siya nakakita ng ganoong party sa buong buhay niya.
"Wow! Ang gara naman. Sayang ang pera para sa party na sobrang mahal kung idinonate nila 'yan sa charities, marami pa silang matutulungang bata. Ang ganda pa ng hotel," ani niya at napailing-iling. Nahagip ng Camera ang gold na letterings ng hotel na Prima Oara Hotel.
Agad naman siyang napatakip sa bibig at napapitik sa hangin. Naisip niyang iyon ang sinasabi ng binata na ma-broadcast sa TV.
"Tama lang na humindi ako. Hindi ako nababagay sa lugar na 'yan. Masyadong elegante at maraming mayayamang tao. For sure pagtatawanan lang ako du'n. Kasama ko pa si Abbas naku! Kawawa ako du'n. Galing talaga ng utak ko. Tama lang na hindi ka sumama self," ani niya habang nakatutok ang tingin sa TV at kumakain pa rin. Parang nanliit siya sa sarili nang maisip kung pumunta nga siya roon tapos ang nakikita niya sa TV ngayon ang gagara ng mga sasakyan lahat latest at limited edition pa na mga sasakyan. Partida pa ang mga sakay sa loob. Ang gaganda at halatang sobrang yaman. Sa suot palang ng mga ito at kung paano tumingin sa Camera kalkulado lahat ng galaw. Sanay na sanay kung nandu'n siya baka panawan siya ng ulirat doon. Napailing na lamang siya sa ulo niya at nanlaki ang mga mata nang may isang sasakyang nakatuon ang camera. Jaguar ang sasakyan ang mahal mahal nu'n eh. Narinig pa niyang in-acknowledge pa ito ng announcer.
"Ang ganda ng sasakyan. Sino kaya siya? Malamang sobrang yaman nito," ani niya sa sarili at nanlalaki ang mga matang napatingin sa malaking LED screen TV at gulat na gulat.
"Si Reuchi 'yan?" ani niya at talagang lumapit pa sa harap ng TV para makita nang malapitan.
"Si Reuchi nga, teka sino naman 'yang kasama niyang babae? Grabe naman kung makalingkis," inis na aniya at bumalik sa pagkakaupo at nilantakan ang cake.
"Asawa daw, sa papel oo pero sa tingin ng tao? Single siya. Nakakaasar ka Reuchi," asar na aniya at itinapon sa TV ang throw pillow.
"Ang ganda naman niya. Siguro girlfriend niya bagay sila. Pero teka? Kung girlfriend niya bakit pinikot niya ako? Bakit niya ako pinakasalan? Haiiyy naku! Nai-stress ako sa'yo Reuchi," ani niya at tinusok-tusok ang cake.
"Akala siguro niya matakaw ako sa pagkain. Oo nga't sa kombento ako nakatira pero masasarap naman ang hinahanda nina, Sister Gina at Sister Penelophe. Nakakakain naman ako ng masasarap na cakes. Red ribbon pa anong akala niya sa akin?" inis na aniya at nilantakan ang buong cake. Mas lalo pa siyang nainis nang ngumiti pa ang binata sa camera habang dikit na dikit ang kasama nitong maganda sa asawa niya at may ibinulong pa ito at asawa naman niya ngiti pa ng ngiti. Ang ganda pa ng babae mukhang beauty queen at bagay na bagay ang kulay beige na gown na suot nito. Wala sa bokabularyo niya ang salitang insecure pero sa nakikita niya para siyang nakaramdam ng ganu'n sa babae. Iwinaglit niya ang isiping iyon at itinuon na lamang ang pansin sa kinakaing cake. Inilipat rin niya sa spiritual channel ang palabas.
Tbc
Zerenette