"Your daughter is very beautiful. I have never seen such face before," nakangiting ani ng Ginang sa ina niya na nakatingin naman nang maigi sa kaniya.
"Salamat Mrs. Abbas, sayang nga't ni hindi ko man lang naranasang magkaroon ng manugang," pagbibiro ng ina niya sa Ginang. Natigilan siya at pasimpleng binalingan ang ina niya. Napangiti na lamang siya nang matipid. At kamuntik ng masamid nang makitang nakatitig nang maigi ang binata sa kaniya. Kanina pa siya naiilang. Hindi siya tinatantanan ng tingin ng binata.
"Son, if Merian is capable of melting I am sure she is already now," nakangiting ani ng papa nito at nagtawanan naman sila. Yumuko lamang ang dalaga at ngumiti nang palihim. Baka kalain pa nitong gustong-gusto niya ang nangyayari.
"She's just too beautiful to be human," seryosong ani ng binata habang nakatutok ang sarili nito sa pagkain ng beef steak.
"You are surely blessed to have such good genes, Tito and Tita. Your daughter was sinfully beautiful," dagdag pa ng binata.
Napatigil naman sa pagsubo ang dalaga at tumingin sa magulang niya na panay din ang ngiti na nakatingin din pala sa kaniya.
"Thank you, Reuchi," nakangiting sagot ng ina niya. Nagkibit balikat lamang siya at itinuon ang pansin sa pagkain.
"What do you mean pala sa sinabi mo kanina, Mare?" tanong ng ina ng binata. Kaagad namang ngumiti nang tipid ang ina niya.
"She's a Nun," sagot ng ina niya.
"Really?" manghang tanong ng ina ng binata.
"I thought we could arranged them together," pabirong sambit ng ama ni Reuchi.
"Kaya nga pare eh, sa susunod na linggo na ang alis nito papuntang Rome," medyo malungkot na ani ng papa niya.
"Rome?" agarang tanong ng binata.
"Oo, pangarap niya eh. Gusto ko kung saan sasaya ang anak ko nandu'n ako nakaalalay lang sa kaniya," sinserong ani ng ama niya na siyang ikinangiti niya. Napaka-bait talaga ng ama niya.
"Thank you, Pa," gagad niya at nginitian iti nang buong puso. Kahit kailan ay hindi kumukontra ang ama niya sa kaniyang mga desisyon. Lalo na at nakikita nilang resoonsable ang dalaga sa bawat kilos nito.
Noong sinabi niyang gusto niyang oumasok sa kumbento ay halata ang pagtutol sa mukha nito. Subalit mas pinili nitong pagbigyan siya at tahakin niya ang ninanais. Nalungkot lamang ang ama niya sa katotohanang sila na lamang ng asawa niya ang maiiwan sa kanilang bahay. Talaga namang napaka-lungkot noon.
"So as my son. He will be in Rome next week for the ribbon cutting. Thus, to commemorate the expansion of our food company," nakangiting ani ng Ginang.
"Nakita ko nga sa TV itong si, Reuchi grabe! Ang genius humawak ng kompaniya ng anak niyo, Mrs. Abbas. Napalago niya pa lalo ang kompaniya niyo. Kasali pa sa top ten ng most influential businessman," may paghangang ani ng ina niya.
"Alam mo naman mare it's his late grandfathers legacy. Cut that, Mrs. Abbas alam mo namang hindi na kayo iba sa amin. Matagal na ring magkaibigan ang mga asawa natin," sinserong ani ng Ginang sa kanila. Ngumiti lamang sila sa turan nito. Ilang sandali lang ay tumunog ang cellphone ng binata. He stopped and get his phone.
"Excuse me, I need to take this call," ani nito at tumayo na. Tumaas naman agad ang kilay ng ina nito.
"It's France mom, my secretary," ani nito sa ina at lumayo nang kaunti. Tumango lamang ang ina nito.
"I'm sorry, workaholic kasi talaga ang anak ko. I can't control him. Kahit sa mga ganito ka special na gathering ay business pa rin ang inaatupag. He's getting old pero wala pang naipapakilala sa aming girlfriend," ani ng ina ng binata.
Secretary pero lumayo? May ganun ba? Unknowingly she raised her eyebrows and just focused on her food. Ilang sandali lang ay bumalik na ang binata sa pagkakaupo. Nanatili lamang ang dalaga na nakikinig sa usapan.
"So Merian, bago ka pumasok sa spiritual vocation do you have boyfriend?" nakangiting tanong ng ina ng binata. Nabilaukan naman agad siya sa sinabi nito. She abruptly grabbed the glass and drink it. Bigla ay natigilan siya.
"S-sorry Tita, pero wala po. Hindi po sumagi sa isip ko na mag boyfriend," she stated stuttering. Agad naman siyang yumuko ng ulo nang makitang nakatitig nang matiim si Reuchi sa kaniya. She bit her lips and continued eating.
"Oh that's great. A very oriented woman. Sana makapag-asawa si Reuchi ng babaeng katulad mo. It would be my greatest reward from my son," komento ng ama ng binata. She smiled shyly and just bowed her head. Hindi na niya alam ang sasabihin. She doesn't know what to say and react. Tiningnan niya ang magulang niya nagngingitian lang. Alam naman niyang kontro-gusto talaga ang mga ito sa desisyon niya.
"Just wait, Dad. I will surely give you that reward," nakangiting ani ng binata sa ama at patuloy sa pagkain ng steak niya habang nakatitig naman sa dalaga. Napailing ang dalaga at nakatuon sa plato ang tingin.
"Bakit ba titig siya nang titig sakin?" ani ng dalaga sa sarili at nagugulohan na napatitig sa pagkain niya. She just can't forget those stares. Those alluring eyes and all. She just can't forget those even if a year passed already. Hindi niya rin maintindihan ang sarili kung bakit hindi niya makalimutan ang binata. Na para bang nagkaroon ito ng malaking puwang sa puso niya. Matapos kumain ay pumunta sila sa labas. Ang dalaga naman ay pumunta sa labas. Ang tambayan niya noon.
"You are avoiding me," ani ng boses sa likod niya. Kaagad na napataas ang kilay niya sa sinabi nito.
"For what reason?" tanong niya sa binata. Nagkibit balikat lang ito.
"Because obviously, you are uncomfortable with my presence," sagot naman ng binata.
"Not really, hindi lang ako sanay na may kausap na lalaki or kaibigan. Sanay akong pulos babae ang kasama," paliwanag niya. Reuchi just stood there; hands on his pocket and looking at the bright night sky.
"Don't go, Merian," ani ng binata sa dalaga. Nilapitan siya nito at tinanggal ang belo sa ulo niya. Kaagad na nakita niya ang napaka-gandang buhok ng dalaga.
Tbc
Zerenette