BB:5

713 Words
Merian woke up feeling dizzy. Her head aches so much. Sinapo niya ang ulo niya't ipinilig ng mahina. Agad naman siyang kinabahan ng hindi pamilyar ang kinaroroonan niya. Nakahiga siya sa isang malaking kama. Sigurado siyang mahal ang lahat ng nasa loob ng kwarto. Mula sa interior design nito at mga gamit. Lahat alam niyang sobrang mahal. Ang carpetted floor na sa tingin niya'y mahihiya ang paa niyang umapak. Gold and black ang lahat ng nakikita niyang kulay. Para siyang nasa kastilyo ng mga ginto. She composed herself and tried so hard not to panic. Inalala niya lahat and she remembered her friend Lina. The last thing she remembered before she lost consciousness ay ipinainom nito sa kaniya ang isang baso ng tubig. Did her friend betrayed her? O baka lumipat sila ng ibang suite. Gusto man niyang tawagan ito pero hindi naman niya mahagilap ang bag niya. Nandun lahat ng kailangan niya. Napalingon siya sa gilid at may pagkain sa side table at sticky note. Agarang kinuha niya ito at nagdadalawang-isip na kunin ang isang plato ng sinangag. One thing is for sure gutom na gutom na siya. Tiningnan niya ang wall clock at almost 12 na. Kaya pala tumutunog na ang tiyan niya. Agad niyang kinain ang nakahanda at kinuha ang sticky note. Sumusubo siya habang binabasa ang nakasulat. "Eat you need to regain your strength my lovely wife♡ kindly open the envelope if you're done" Agad naman siyang napaubo at uminom ng tubig. Her eyes widen and read it again. Kinakabahang napatingin pa siya sa isang brown envelope na nasa round table. Nanghihinang lumakad siya papunta sa mini sofa ng kwarto at kinuha ang envelope. Nanginhinig pa ang mga kamay niya rinig na rinig niya ang pagkabog ng dibdib niya habang kinuha ang mga papeles. Isa-isa niya itong binasa. Hindi makapaniwalang napaiyak ang dalaga habang nanginginig pa rin ang mga kamay. "A-anong ibig sabihin nito?" Umiiyak na aniya habang hawak-hawak ang marriage certificate at agad na tiningnan kung sino ang walang hiyang lalaki ang nagsamantala sa kamuwangan niya. Sa tanang buhay niya ngayon lang siya nakaramdam ng galit sa isang tao. Palagi niyang inaalala ang salita ng Diyos bago makaramdam ng mga negatibong emosyon. Subalit iba ngayon, galit na galit siya. Nanghihinang napaupo siya sa couch at napahawak sa dibdib niya. "I hate you Reuchi..I hate you so much. Ano bang nagawa ko sayo at ginawa mo to sa akin?" Nanghihinang aniya at ibinato ang singsing na nasa loob din ng envelope. Dapat ngayon ay naglalakad na siya patungong altar at hindi kasama si Reuchi. Dapat ngayon nasa simbahan na siya at ganap na madre na. Anong nangyayari? Parang binagsakan ng mundo si Merian at natulalang nakatingin sa taas. Ano nalang ang mangyayari sa buhay niya? She doesn't care about peoples verdict ang hindi lang niya matanggap ay bakit at pano? Bakit pinabayaan siya ng kaibigan? At paanong ikinasal siya kay Reuchi? "Lord? Bakit niyo po hinayaang mangyari to sakin? Buong buhay ko wala akong gustong gawin kundi ang pagsilbihan kayo pero bakit hinayaan niyong mangyari to sa akin?" Parang tinutusok ang puso niya sa sakit. Ilang sandali lang ay narinig niyang mbumukas ang pinto. She abruptly looked at the man standing so proud. Nakatitig lang ito sa kaniya. Nanatili lang siyang tahimik at hinayaang mamalisbis ang luha niya sa mukha. Reuchi was just there standing and staring at her intently. She can see guilt pero agad ding nawala. "You didn't finish your food." Seryosong ani nito habang nakatingin sa kaniya. Patuloy lang sa pag agos ang luha niya at hindi sumagot sa binata. "Bakit?" Tanong niya rito. Nanatili lamang itong tahimik at tinalikuran siya. "Why and how? Keep that questions you're my wife now whether you like it or not. I'm your husband just accept that fact. And i've already told your parents. Change your clothes we'll go to your superior." Malamig na ani nito at lumabas na ng kwarto. She was left dumbfounded and cried her heart out. Hindi niya alam ang salitang galit at poot pero ngayon ay yun ang nararamdaman niya para sa binata. May mga damit siyang nakita sa closet lahat ay puro damit niyang pang madre. Parang nilalakumos ang puso niya. She won't be able to dress herself with those purifying garments. Tbc Zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD