"Alexis tara na!" Aya niya sa kaibigan na may kalakihan na ang tiyan. "Tara?" Anito at sumakay na sa likod ng kotse. Kasama nito ang family driver nila sa hacienda Salvi. "Nga pala Merian dadaan muna tayo sa kompanya ng asawa mo ah. Nandun kasi si Kleinder. Ibibigay ko lang sa kaniya to, naiwan eh." Ani Alexis habang ipinakita ang red envelope sa kaniya. "Okay." Mahinang aniya at maging siya ay kinakabahn na na e-excite. "Ano kayang reaksiyon ni Reuchi pag nakita niya tayo sa kompanya?" Wala sa isip na usal niya. "Uyyy, iniisip si husby. Iba talaga pag may asawa na. Sabi sayo Merian eh masarap magmahal. Masarap na may tao tayong pinag-aalala at nag-aalala para satin." Nakangiting ani ng kaibigan niya. Halatang sobrang saya nito sa buhay. Hindi na rin siya nag komento pa dahil alam

