The Wind the Blows Our Sorrows Angel “J-Joke…ba ito?” hindi ko alam kung ano’ng klaseng mukha ang meron ako ngayon. Bitbit ko ang cake na pinagpuyatan kong ginawa para sa birthday ni Gino. Ngunit ang nadatnan ko ay ang nakakandadong bahay nila. Kanina pa ako sumisigaw pero walang sumasagot. Kanina ko pa tinatawagan ang cellphone ni Gino pero nakapatay ito. “Ha, baka namasyal lang sila,” pili tang mga ngiti kong bumalik ng bahay. Araw-araw ako’ng bumisita pero wala nang umuwi sa kanila. Nitong mga nakaraang araw ay hindi ko na nakausap nang maigi si Gino. Alam kong sobrang nasaktan siya sa pagkamatay ng mama nila kaya hindi ko siya ginambala. Inisip ko na at least icelebrate man lang namin ang birthday niya pero bigla siyang naglaho. Wala na ba talaga siya? Tumakbo ako palaba

