Together In My Dreams Angel Naptingin ako sa mga kamay ko. May suot ako'ng lace gloves. Umikot ako at laking gulat ko nang makita ko ang kasuotan ko. I'm wearing a pink gown. Hindi ko mapigilang hindi maantig dahil kumikinang ang mga nakatahing perlas dito. Itinaas ko kaunti ang laylayan ng gown ko, nakasuot ako ng stilettong kulay itim. Ang buhok ko ay nakatirintas hanggang sa baywarng ko. Para ako'ng prinsesa. At pagtingin ko sa harapan ko ang may carpet na pula at samu't-saring petals na nakalatag doon. Nang humakbang ako ay umilaw ang magkabilang lantern. Napangiti ako nang maulit pa iyon habang palakad ako palapit sa malaking arko ng putting rosas. Napahinto ako sa gitna. Tumingin ako sa itaas, puno ng lanterns na nakasabit doon! Hindi ko maipawliwanag ang nararamdaman ko, so

