The Trap of Black Coffee
Angel
Nagulat ako at napaangat ang mga kamay ko nang pinatong ni Gino ang kamay niya sa libro ko nang malakas. Napatingin ako sa mga mata niya, hindi ko na tatanongin kung galit siya.
Nakakatakot si Gino!
“Sa loob ng dalawang oras na pagtuturo ko sa ‘yo. Isang formula lang ang naintindihan mo?”
“Ano…hehe hindi kasi ako marunong sa substitution,” tumawa ako pero sa kaloob-looban ko ay takot na takot na ako!
Summer ngayon pero nag-aaral kami ni Gino. Sa huli, kailangan ko’ng ulitin ang Algebra next school year. Nilihim ko iyon sa kanya kaya galit nag galit siya nang sinabi ko.
Kaya naman, imbes na nagdadate sana kami ngayon ay nag-aaral naman kami.
“Gino, huwag ka naman masyadong mahigpit kay Angel,” napatingin ako kay Ate Juniel na dumaan sa likod ni Gino habang hawak-hawak ang mga tuyong sampay nito.
“Ahead ako ng two years kay Angel ate. Baka wala nang magtuturo sa kanya ng ganito kapag naka-graduate na ako,” natahimik kaming dalawa ni Ate Juniel dahil sa sinabi ni Gino.
Ako naman ay parang nanigas na yelo. Pero matutunaw na anumang oras ngayon dahil sa kilig.
“Ikaw naman, ulitin mo lahat ‘to,” halos mapangalumbaba ako sa upuan ko nnag binalik sa akin ni Gino ang test paper niyang nakatago na inaansweran ko na kanina pa.
“Bili lang ako ng meryenda,” mag-uumpisa na sana ako pero nang tumayo si Gino ay bigla niyang ginulo ang buhok.
KILIG!
Bakit lalong gumagwapo si Gino!
***
Nagising ako at napansin ko’ng tahimik na. Hindi kagaya kagabi na halos hangin at malalakas na bagsak ng ulan lang ang naririnig ko. Kaagad ako’ng bumangon nang mapansin ko ang bintana. Maliwanag na sa labas. Mukhang wala na ‘yung bagyo.
Napatingin ako sa tabi ko, wala si Gino.
Pero teka, magkatabi kaming natulog?
Napatakip ako sa bibig ko. Bigla kong naramdaman ang pag-init ng mga pisngi ko.
Hindi dapat ako kilgin ng ganito! Katatapos lang ng delubyo!
Maingat ako’ng lumabas ng kuwarto. Hindi ko nadatnan si Gino sa ibaba. Nang binuksan ko ang pintuan ay nakita ko ang mga halaman na nasira, may ilang poste ring nasira dahil sa mga sanga ng puno na naputol. Isang gabing sinalanta ng bagyong iyon ang lugar namin.
Mukhang hindi pa ako makakauwi ngayong araw. Kung ganito ang sinapit ng lugar nina Gino baka pati ang mga daan ay naharangan ng mga punong bumagsak.
“You’re awake,” nagulat naman ako nang biglang sumulpot si Gino sa harapan ko. Nakita kong may bitbit siyang ecobag na naglalaman ng ilang gulay.
“Namalengke ka?”
“May Mobile Palengke na dumating, pumasok ka na sa loob. Malamig pa,” nilagpasan naman ako nito at dire-diretsong pumasok sa loob.
Parang bata naman akong sumunod sa kanya roon. Gusto ko siyang tanongin tungkol sa nangyari kagabi pero nahihiya ako. At panigurado hindi ako bibigyan ng sagot nito. Pagalaw-galaw pa ang mga paa ko nang makaupo ako. Sinundan ko kasi siya rito sa kusina.
“I called your home. I managed to call them before my battery ran out. Mukhang hindi pa babalik ang supply ng kuryente at hindi ka pa makakauwi.”
Ewan ko ba’t tuwang-tuwa pa ako sa sinabi ni Gino na hindi pa ako makakauwi.
“Teka tumawag ka sa bahay!” napatayo ako at nahampas ko ang lamesa. Mainit pa ang pangalan ni Gino sa bahay. Ibig sabihin kung sinabi niyang siya iyon ay marahil…nakarinig siya ng talak.
“Ano…Gino…”
“Nakausap ko ang Mama at Papa mo. Pati Lola mo,” anito at nagtungo sa lababo para hugasan ang mga gulay na binili niya.
Pakiramdam ko hindi lang usap ang nangyari.
“Also, don’t just stand there. Help me.”
Habang nagluluto kami ni Gino ay naalala ko ang mga araw na tambay ako rito sa bahay nila. No’ng summer kasi at naging kami na nga ay siya ang nagturo sa akin ng subject na nabagsak ko noong first year. It’s only this time that I realized that I am really…back here. I slept in his room which I used to do.
Dumating ako sa point noon na ayaw ko siyang iwan sa gabi, ayaw ko’ng umuwi. Gusto ko pa siyang makasama.
Hindi dapat ako natutuwa kasi may bagyon nanalanta sa lugar namin. Pero kung iisipin mo, kung hindi naman ito nangyari ay hindi ako papatuluyin ni Gino rito.
“Oh? Kumakain ka na ng bell pepper?” napatigil ako sa pagnguya nang tinikman ko ang nalutong menudo.
“Oo, masarap naman,” napatikom ang bibig ko nang makita ko siyang tumawa.
Halla!
The precious laugh of my Gino!
After ten years, nakita ko ulit.
“You used to hate it. Inaway mo ako dahil sa carrots na nakalagay sa bihon. You even cried.”
Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko ang date naming iyon. Para ako’ng batang nagmaktol kay Gino nang pinakain niya ako ng pancit na may bellpepper. Ang tagal ko’ng inalis iyong lasa sa dila ko.
“Huh? Pero kahit alam mong ayaw ko pinakain mo pa rin ako no’n. Pakunwari kang naglalagay ng sliced bell pepper sa sandwich ko hanggang sa masuka ako,” nakapamaywang ko’ng saad sa kanya. Napatakip siya sa kanyang bibig, kunwari ay hindi ko nahalatang nagpipigil siya ng tawa.
“That’s because you’re missing a very nutritious veggie,” katuwiran pa nito.
“Thinking back, nakapaghiganti naman ako nang pinakain kita ng lomi na maraming sili. Hindi ko inaasahang hindi mo kaya ang maanghang. ‘Yung mukha mo no’n—“ naudlot sana ang sasabihin ko nang sinubuan ako ng ni Gino ng hilaw na bell pepper. Biglang nagdilim ang mukha nito. Samantalang nang ako ang iniinis niya ay tumawa siya.
We spend the rest of the day together cleaning the house. Most of the free time, I caught Gino reading some old books stored in his room which reminds me of the old days.
Gino would just let me sit by his side while he is reading his book. Kuntento na ako noon kahit wala ako’ng ginagawa. Having his presence beside me means everything to me.
That was my simple dream before, having Gino by my side and supporting him all the way. I wanted to be his shadow...
But when the light disappears, the shadow also ceases to exist. That is how I felt when he left me.
Napangiti ako habang pinagmamasdan ang kalangitan. May mga bituin na kahit iilan. Sumilip na rin ang buwan na nagsisilbing ilaw ng lugar namin. Nandito ako sa veranda, naisip ko’ng magpahangin muna at madilim din kasi sa loob.
“Here,” napatingin ako sa gilid ko, dumating si Gino at may hawak itong dalawang tasa ng kape. It felt good when I smelled the aroma of the coffee.
“Hindi kagaya ng kape mo pero, puwede nang pagtyagahan,” sabi naman nito sabay ihip sa kanyang kape.
“Thank you for creating the perfect flavor I want for coffee,” hindi ko na nagawang itago ang ngiti ko sa sinabi ni Gino.
One of the reasons why I created my own version of his favorite coffee is for him to be able to find the flavor he always wanted. And that one day, my coffee will lead him back to me.
“You can have tons of it, when we get home.”
“Teka, ba’t ibang flavor ata ‘yung kape mo,” naamoy ko kasi na parang iba ‘yung kay Gino. Tinikman ko ‘yung akin, it’s creamy latte.
“This is black coffee. This isn’t for you,” masungit na saad naman nito at humigop sa kanyang kape. “Gusto ko rin ang black coffee, masarap ang black coffee namin sa shop.”
“Gusto mong tikman?”
My eyes were caught by Gino’s alluring eyes. Tumango ako nang wala sa sarili, but I know I just want to drink in the same cup with Gino.
Gino leaned down to hold my chin.
And then everything happened so fast just like how that wild wind passed us.
It doesn’t taste like black coffee at all.
His lips are way sweeter than that. Ilang segundo lang na magkalapat ang mga labi naming pero pakiramdam ko, napakatagal na no’n at sa sobrang tagal ay parang huminto ang buong mundo para sa halik na iyon.
Oh baka naman nananaginip na naman ako?
“You should drink your own coffee,” he whispered. Parang kinilabutan ako doon at nang magiwas na siya ng titig ay uminom ko ang kape ko.
Parang masusunog na ang lalamunan ko dahil nawala sa isip kong mainit pa pala ito.
***
Akala ko talaga ay buong araw kaming mag-aaral ni Gino. Pagsapit ng hapon ay sinabi ni Gino na ihahatid niya ako sa bahay, pero dumaan kami rito sa plaza. Pyestang-pyesta talaga at ang daming tao. Dumami rin ang mga food stalls.
Kanina ko pa tinatangkang hawakan ang kamay ni Gino pero tuwing lalapit na ako, may gagawin naman siya o may ituturo.
Huh, hindi ito date kung hindi kami mag-hoholding hands.
Napansin naming ang kumpulan ng mga tao sa malapit sa gian fountain. Nang matunghayan naming ni Gino ang dalawang nagsasayaw doon ay namangha kami. Kung couple sila ay nakakakilig naman. Maraming kinikilig sa tuwing magdidikit ang mukha ng babae at lalaki. Para silang nagsasayaw kagaya ng saya sa mga prom at sila ang hari at reyna ng gabing ito. They look so in love.
“Wow!” napahiyaw ako nnag umilaw ang fountain, mukhang sumabay sa nararamdaman ng dancers. Inikot nila ang fountain habang nagsasayaw. Napakaingat no’ng lalaki sa babae, ano kaya ang pakiramdam na hinahawakan ka sa baywang ng isang lalaki?
“Let’s Go, I’m hungry,” naudlot ang panunuod ko nang bigla akong hinila ni Gino sa kamay ko palayo. Napatianod ako at napasimangot. Ang ganda pa sana nilang panuorin mukhang wala pa kami sa c****x.
“Ano’ng gusto mo? Ice cream?” tanong naman ni Gino. Hindi ko siya sinagot at nanatili akong nakasimangot.
“Ba’t hindi ka sumasagot,” napahinto kami sa bridge dahil kasalukuyan naming tinatawid ang ilog sa plaza.
“Bakit kasi, eh hindi pa nga ako tapos manood,” napanguso na lang ako.
At biglang lumandas ang mga mata ko sa kamay ko’ng hawak ni Gino.
Wait! Stop!
Kanina pa pala niay ako hinawakan at hinila ‘di ba? Bakit hindi ko man lang napansin.
“Ako ‘yung boyfriend mo, sa akin dapat ang atensyon mo, hindi sa iba,” napakagat ako sa labi dahil naguumapaw ako sa kilig. Nagpahila ulit ako kay Gino nang magsimula kaming maglakad ulit.
Malapit na ako sumabog dahil sa init ng mga pisngi ko.
***
Hey everyone! We’re almost done. Last 6 chapters na lang po ang kuwentong ito. Maraming salamat sa mga naghintay kahit na-stagnant ang kuwentong ito. Ngayon malapit na po tayo sa wakas ay sana, sama-sama pa rin po tayo.
Salamat po!