MADDY POV. KASALUKUYANG narito ako sa grocery store. Inutusan akong bumili ni mama ng aming kakailanganin dahil icecelebrate na namin ang isang tagumpay na matagal na naming gustong makamit. Nakalaya na si papa at yung taong gumahasa kay mama na siya ang aking ama ay nakakulong na ngayon. Gusto kong pasalamatan man lang ang taong tumulong sa amin ngunit hindi man lang nila alam kung sino ang taong iyon. Hanggang ngayon, isa pa ring mysteryoso ang taong iyon. Ang sabi ni mama, isang matandang lalaki ang nagpunta sa bahay. Isang lalaking matangkad, mayaman at guwapo. Ngunit tumanggi itong hindi magpakilala sa kanila. Basta ang importante ay nakalaya na si papa at yung nangr*pe kay mama ay pinagdudusahan niya na ang panghahalay kay mama. Gusto kong makita kung sino ang taong iyon na siya ang

