Chapter two

1392 Words
Nagising ako na ang mga nakikita ko ay puting kisame "Nasaan ako?" Pagkakaalam ko nasa isang silid ako. Pilit kong inaalala ang nangyare. At naalala kong bigla nagdilim ang paningin ko. Sinipat ko sa ilalim nang kumot ang katawan ko ganun parin naman ang suot ko. Thank you god at walang nangyare saakin pero sino ang mga lalaking kumuha sakin? Tatayo na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon ang isang matangkad na lalaki at aaminin ko napakagwapo niyang nilalang at sa tingin ko ay galit ang kaniyang awra ngayon. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin saakin habang naglalakad patungo sakin. "S-sino ka ?" Kinakabahan kong tanong Hindi siya sumagot pero patuloy parin siya sa paglakad papunta saakin. Napapaatras ako sa dulo ng kama. Pero malas ko dahil wala nang ibang maatrasan at na corner ako sa dulo ng kama. "Running away and hiding again from me, Estacey?" nakatutok ang kaniyang paningin sa aking dibdib na. Sinipat ko ang dibdib ko na halos makita niya iyon dahil sa suot ko. Agad ko itong tinakpan Kinakabahan ako sa sinabi niya. Galit na galit ang mukha niya nang sinabi niya saakin iyon. Tinititigan niya ako "Ayaw mo sa kayamanan ko? Dahil ang gusto mo ay sumayaw sa disgrace club na iyon. 'Yon ba ang gusto mo, Estacey?" Umiigting ang mga panga niya nang sinabi niya iyon. "Si-sino si, Estacey?" naguguluhan kong tanong. Wala akong alam sa mga pinagsasabi niya. Unti-unti nanaman siyang lumalapit saakin. Sa ngayon ay hinila niya ako gamit ang aking mga paa. Pasalampak akong napahiga sa malambot na kama. Dinaganan niya ako kaagad. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. marahas niya itinaas ang mga kamay ko at inipit iyon gamit ang malakas niya na mga kamay. Pilit ko siya tinutulak pero sadyang malakas siya. At hindi ko magawa na maalis siya sa ibabaw ko. "Dapat sinabi mo na gusto mo na sumasayaw ka muna bago magkapera, ibibigay ko sayo kung yun ang gusto mo!" galit na sabi saakin. Binitawan niya ang mga kamay ko at sa wakas ay umalis siya sa ibabaw ko. "Now dance for me, Estacey!" Pang uutos niya saakin Kinakabahan ako sa mga titig niya at pag uutos niya. "Tumayo ka diyan at sayawan mo ako, gusto ko makita kung gaano ka kasarap sumayaw." Ano bang nagawa kong kasalanan at sunod sunod ang mga paghihirap ko sa buhay. Tumulo nanaman ang luha ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Umayos ako nang upo sa kama. Hindi ko siya sinunod. Humalukipkip ako sa board ng kama. "Now, you're a crying lady w***e!" Patuloy parin sa pagtulo ang mga luha ko. Hinawakan niya ang mga kamay ko at hinila patayo sa kama. Mariin na walang pag-iingat niya na hinawakan ang kamay ko. "Ang pinakaayaw ko sa lahat ang iyakin na babae" Napatitig ako sa mga mata niya. Kitang kita ko ang mga galit niya, na ikinatakot ko .. "Dance for me w***e!" utos niya ulit. Nag tila tuod ako sa kaniyang harapan. "Now, dance slut!" Sobrang sakit sakit na nang mga sinasabi niya saakin paano ako makakatakas sa kanya. Bakit galit na galit siya saakin may ginawa ba ako sa kanya? "What? Tatayo kanalang ba diyan?" Hindi ako makagalaw. Mas malala to sa nangyare kagabi. Kami lang dalawa sa silid na ito. at ano man oras ay puwede niya gawin lahat nang gusto niya gawin saakin. Buti nalang at may kumatok nakahinga ako nang maluwag "Boss may bisita po kayo sa labas" "Who?" Singhal niya sa lalaki. "Ang mama po ni maam, Estacey." "f**k! Sabihin mo bababa na ako" umalis na ang lalaki at ako naman ang tiningnan niya. "We're not done yet f*****g slut!" sabay lakad niya at pasalampak niyang sinarado ang pinto. Nang tumahimik ay agad kong tinakbo ang pinto at pinihit iyon but it's locked. Napasalampak ako sa sahig nang upo at doon ibinuhos ang mga luhang kanina pa gustong kumawala nang tuloy tuloy. "Senyorita!" Mahinang katok at boses ang naririnig ko bago ako magising. Nakatulog ako habang umiiyak kanina at nandito parin ako sa sahig nakaupo habang yakap yakap ang aking tuhod. "Senyorita!" Napatingin ako sa pinto. Hindi ko alam kong sasagot ako o hindi. Hindi ko alam kung sino ang tinatawag sa labas pero ako lang naman ang tao sa loob. "Senyorita estacey!" "Estacey ? Kanina ko pa naririnig ang pangalan na iyon. Sino ba si Estacey?" "Senyorita Estacey papasok na po ako ha!" Hindi ko malaman ang gagawin ko nang bumukas ang pinto. Ako ba ang tinatawag nilang estacey? "Senyorita, ano po ginagawa niyo diyan?" dali dali niya akong inalalayan patayo. "S-salamat po!" "Walang ano man po! Kumain na po kayo Senyorita ipinagbibilin po ni Senyorito na bigyan po kayo ng pagkain." "S-sino po si senyorito?" "Si senyorito po ay si sir Dave" Nag isip muna ako bago magsalita "Hindi ko po siya kilala!" "Ah, yon nagdala sayo dito. Ang fiancee mo!" Napatakip nang bibig ang Ginang. "Sobrang daldal ko na senyorita kumain na po kayo, maya maya nandito na si sir Dave. Baka magalit pa saakin iyon" "Wala po akong gana" Wala akong ganang kumain ang dami kong iniisip bakit ganito parang ang dami kong hindi alam sa buhay at sa sarili ko Sino ba talaga ako? "Iiwan ko nalang po dito Senyorita ang pagkain babalikan ko nalang po! Ako nga pala si Matet. Ang katiwala sa bahay na ito." "Kayo po ba-bahala ate Matet" Ngumiti lang siya at lumabas na. Naiwan akong madaming iniisip. Palingon lingon ako sa paligid nang kwarto. Pinagmasdan ko ang pagkain sa aking harapan. Walang tanda kong kaninong kwarto ang pinaglagyan ko ngayon. Empty tanging kama lang ang nandito at maliit na table. Ano ba nangyayare sa buhay ko? Bakit parang ang daming nangyare. Napatitig ako sa pinto. Naisipan kong tumakas. Ayaw ko nang makita ang lalaking galit na galit kani kanina lang. Nakakatakot siya parang kulang nalang ay patayin niya ako sa titig pa lang niya. Nakakatakot ang awra niya pero hindi ko matatanggi na gwapo siya. Lumapit ako sa pinto at dahan dahan na pinihit ang pinto at nabuhayan ako nang mabuksan ko ito siguro ay nakalimutan i lock ni ate Matet. Dahan dahan kong hinakbang ang mga paa kong nanginginig. Lord help me! Napapasambit ako habang humahakbang palayo sa pinto. Nakita kong wala namang tao. Kaya tumakbo na ako palabas nakikita ko na ang gate. Makakalaya na ako .. Isang malakas na busina ng kotse ang umalingawngaw at liwanag na mula sa kotse ang nakatutok saakin. Malakas na kalabog sa dibdib ko nang makita ang lalaking bumaba mula doon. Galit na galit at nanlilisik ang mga mata. He's a demon Na ngayon ay mabilis na naglalakad patungo sa kinaroroonan ko. Hinablot niya ang braso ko at walang awang hinawakan nang malakas halos mapasigaw ako sa sakit. "Please, stop please!" Pagmamakaawa ko habang hila-hila niya ako papasok sa loob. "Tatakas kananaman ba, estacey?" mas lalong diniinan niya ang kamay niya sa braso ko na halos mapaigik na ako sa sakit. "Aaack..Please stop! bitawan mo ako nasasaktan ako" pagmamakaawa ko parin sa kaniya. "Nasasaktan ka?" ngumisi siya. " Where is Matet?" Palingon lingon niya na sabi "W-walang kasalanan si ate matet. P-please! Wag mo siya idamay dito" "Dalhin niyo saakin si Matet, Faster!" Tila siya ang diyos nang mga ito at dali dali na sinunod ang utos niya. "Please! Wag mo idamay si ate Matet hindi niya alam na lumabas ako, na-nakalimutan niya lang isarado ang pinto."tumutulo ang mga luha ko habang nagmamakaawa sa kanya pero tila wala siyang naririnig. "Boss, eto na po si Matet." Hinarap nila si ate matet at hinawakan din siya nang lalaki sa braso sa ngayon dalawa na kami ang hawak niya. "Diba sabi ko sayo i lock mo ang pinto ng silid niya ..ha?" Galit parin eto at malakas na rin ang pagkahawak niya kay ate Matet ..halata ko yon dahil sa pag ngiwi nang mukha ni ate Matet mas lalo lang akong humagulhol kung alam ko lang na ganito ka big deal para sa kanya ang pagtakas ko na nagawa pa niyang saktan ang katiwala niya ay hindi na ako naglakas loob na tumakas. "Sorry po Sen-yorito." napatingin si ate Matet saakin. Nanginginig din ang boses niya. Hindi ko rin magawang kampihan siya dahil isa din akong takot sa lalaking ngayon ay galit na galit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD