Matapos maligo ni Troy ay agad na 'tong lumabas mula banyo, at sa kanyang paglabas ay nabungaran nito si Andrea na may dala ng tuwalya. "Oh, bakit may dala kang tuwalya? Sabi ko magpahinga ka na muna," wika ng kanyang asawa. "Mas maayos na ang pakiramdam ko ngayon. Kaya gusto ko na ring maligo. Para madalaw si Lola," wika ni Andrea. "Sigurado ka ba?" tanong muli ni Troy. "Oo naman," sagot naman nito. "Sige, sasamahan na kita sa banyo," saad naman ni Troy at nilapitan ang asawa upang alalayan 'to. "Troy, kaya ko na ang sarili ko. Masyado mo na akong bini-baby," naiilang at nahihiyang wika ni Andrea, subalit nakakaramdam ng saya sa kalooban. "Saka, Troy. Huwag mo na akong samahan pa sa loob ng banyo. Baka kasi ano eh," wika ni Andrea na hindi maituloy ang balak sabihin. "Baka ano? In

