Pagkatapos nang tagpo na 'yon ay sinamahan ni Troy ang asawa sa kusina upang magluto ng kanilang almusal. Nang matapos silang magluto ng almusala ay sabay naman siang kumain sa hapagkainan. "Babe, kainin mo 'to lahat. Dapat ubusin mo," saad ni Troy na nilalagyan ng kanin at ulam ang plato ng kaniyang asawa. "Konti lang ang kakainin ko," malapit na akong manganak. Saka ayokong masyadong tumaba.Tingnan mo nagmamanas na kaya 'tong mga paa ko," saad ni Andrea na pinapakita ang kaniyang mga paa sa asawa. "Babe, normal lang ba 'yan? Pasinsya na ka na hindi ko 'yan napapansin," nag-aalalang tanong ni Troy sa asawa. "Oo, babe. Sabi ng doctor at Athena. Mawawala rin 'to kapag nakapanganak na ako. Saka ayokong masyadong kumain, baka mahirapan akong manganak," sagot naman ni Andrea. "Mabuti kon

