KINABUKASA ay bumalik ulit sa dating routine si Andrea maaga itong nagising upang magluto ng almusal ng kaniyang asawang papasok sa trabaho. Nang nakaluto na si Andrea at nakapaghanda na ng kanilang almusal sa hapagkainan ay muli itong nagtungo sa kanilang silid upang gisingin ang asawa nito. "Good morning, asawa ko. Nakaluto na ako. Gumising ka na dahil papasok ka pa sa trabaho mo," malambinh na wika ni Andrea sa kaniyang asawa. "Good morning too, asawa ko. Ang aga-aga pa kaya. Matulog pa tayo," nakangiting saad ni Troy sa kaniyang asawa. "Ano'ng maaga pa, seven na kaya. Isipin mo next week hindi ka na papasok. Kaya dapat makabawi ka trabaho mo. Kaya bumangon ka na," pagpupumilit ni Andrea. "Sige na nga, para wala namang masabi si Kuya. kapag nag leave na ako sa work. At syempre kon

