Naging masaya ang buhay mag-asawa nila Troy at Andrea sa kanilang bagong bahay. At muli ay nagtatrabaho na si Troy sa kanilang kumpanya. Kahit na nagtatrabaho 'to ay naging mabuti pa rin itong asawa sa kaniyang asawa. Sa kabila ng pagiging busy nito sa trabaho ay hindi nito napapabayaan ang kaniyang mahal na asawa dahil mas lalo pa itong naging maalaga, mapagmahal at sweet kay Andrea. Kahit medyo malayo ang kanilang kumpanya sa kanilang trabaho ay umuuwi pa rin 'to sa kanilang bahay tuwing pananghalian upang makasabay si Andrea na kumain. Palagi rin nitong tinatawagan ang asawa every two hours to three upang i-check ang kaniyang asawa. Ang pagsasama ng mag-asawa ay naging mas masaya at matibay. MAKALIPAS ang ilang buwan. "Andrea, malapit ka ng manganak 'di ba? Nakabili ka na ba ng da

