Kevin POV
Papasok pa lang ako sa bahay ay bungad na bungad na agad ang mga kalat sa sahig
Nakaupo siya sa sofa habang abalang abala sa pagbabasa sa isang libro na may kalumaan na , ayokong maistorbo siya kaya dahan dahan akong pumasok at iniiwasan na makalikha ng ingay
napahinto ako ng maapakan ko ang isang plastic na bote
agad siyang napatingin sa akin
Nginitian ko siya pero seryoso lang siya na tumingin sa akin at bumalik ang atensyon sa kanyang binabasa
Agad kong pinulot ang mga naka kalat niyang ibang libro
kalat ang mga love letter na pinag punit punit niya
sa daming magaganda na nagkakagusto sa kanya imposible na wala siyang girlfriend ngayon. pero never pa siya na nagpakilala ng girlfriend kay tita shanel
"ako ng bahala diyan, hindi mo naman kailangan ligpitin ang mga kalat ko palagi! may kamay at paa rin ako "
"sorry! "
Tumayo siya patungo sa pinto ng kwarto at pilit na pinagkasya sa iisang bag ang mga kalat at libro niya
"i am the one who should sorry, don't worry after a week mapapalitan ko na yung cellphone mo! "
ngumiti na lamang ako sa kanya
Tumingin ulit ito sa akin "Goodnight" mahinahon na tono niya at tuluyan na pumasok sa kwarto
but still, hindi niya pa rin sinasabi kung ano ang ikinagalit niya
hinubad ko ang polo ko na agad ko na din na nilaban para may maisuot ako bukas, nasira kase ang dalawa kong uniform ng dahil kay julian kaya naman isa na lang ang polo ko
ayoko rin na malaman ni tita na nasira ang uniform ko dahil sa pag - bully sa akin at isa pa ay nahihiya na rin ako kay tita dahil medyo mahal ang uniform
"kev ! "
"bakit ngayon ka lang? " nakangiti kong tanong kay alice
agad naglaho ang ngiti ko sa mukha ng mapansin ko na nanggigilid ang luha niya , basang basa rin ang damit niya na tila ay binuhusan ito ng juice .
agad ko siyang nilapitan at niyakap
"ano nangyari? "
tuluyan na siyang umiyak ng malakas ng tanungin ko siya
"saan kaba galing? bakit wala ka sa room niyo ? " tanong ko rito pero lalo pa siyang umiyak ng tanungin ko siya
kaya naman ay dahan dahan ko na lamang siya inalalayan papunta sa kwarto
"crying baby! " agad na pang aasar ni tommy pag pasok namin
ibabato na sana ni alice ang dinampot niya na sapatos buti na lamang ay agad kong naagaw iyon
"sino nagpaiyak sayo? si jeydon? or si paulo? noe--" napatigil si tommy sa pag sasalita ng batuhin siya ng dust pan ni alice
"tss... iloveyouu my dear sister! " nakangisi niya na sambit
agad siyang tumakbo palabas ng damputin ni alice ang baso
"bwisit talaga! akala niya na hindi ko alam na gust--" lumingon siya sa akin at hindi na tinuloy ang sasabihin niya
"ang dami naman na gwapo diyan ! " biro kong sabi sa kanya
"sino? si liam? si leo? "
halos mabulunan ako sa sarili kong laway ng banggitin niya si liam
"hindi , mas marami pa na gwapo diyan
mabait na gwapo at hindi ka sasaktan! "
seryoso siyang tumitig sa akin
"tsss.. liam is kinda interisting "
nakangisi niya na saad
"ikaw bahala! "
"e ikaw ? kelan mo balak na magkaroon ng relasyon? "
pabulong na saad niya habang pinapaikot ikot ang buhok niya
"hindi ko alam. "
"never ka pa na nainlove? "
seryoso na tanong niya
"hindi ko alam. sino naman magugustuhan ko?"
why am i thinking to that guy
• _ •
@betty_lovey