CHAPTER 25 Allana's P.O.V Four days had passed when I last saw Adriel. It has been four days when Adriel came here and begged and begged. Lumuhod, nagmakaawa, at umiyak siya sa harap ng mga magulang at kapatid ko para lang patawarin na siya at hayaan siyang Makita ako. Habang ako naman at ang anak naming ay nagkulong sa kwarto at nakikinig lang sa mga sigaw at pagmamakaawa ni Adriel. "Allana! Allana!" rinig na rinig ko ang malakas na pagkatok at pagsigaw ng pangalan ko mula sa labas ni Adriel. Malakas man ang ulan pero dahil malakas ang pagkaka-katok ni Adriel ay dinig na dinig pa din iyon sa loob ng bahay. At sa sobrang lakas din ng pagkakatatok niya ay kulang nalang ay masira ang pinto namin. "Allana, Let's talk. Lumabas ka diyan! Mag-usap tayo! Huwag naman ganito, Love!" he shouted

