CHAPTER TWENTY EIGHT Siam Alonzo ILANG araw ko ring dinadaing ang sugat ko sa labi — na natamo ko sa pagkagat ni Neu noong araw na nasa library kami. May ilang co-teachers ko at ilang estudyante ang napapatingin at nagtataka kung saan ko nakuha iyon pero walang naglakas ng loob na tanungin ako. Well, except doon sa nurse na nasa clinic at kay Yesza. Alam naman nating may pagka-usisera ang babaeng ‘yon. Lahat na lang ‘ata ng bagay ay curious iyon at gustong malaman ang lahat ng kasagutan. Nang iwan ako ni Neu sa library, nagpalipas muna ako ng limang minuto bago tuluyang lumabas at dumiretso ng clinic. And that was when I felt the hot atmosphere enveloped us in one corner of the library. Para akong pinasok sa isang hot sauna sa pawis at init na naramdaman ko. Nilagyan lang ng nurse n

