Mabilis na kumalat sa social media at mga news magazine ang tungkol sa relasyon ni Garri and Everlie. Sunod sunod din ang naging interview sa kanila ng mga reporters. Unti-unti ng nasasanay si Everlie sa mundong ginagalawan nya ngayon. Ngunit hindi pa rin sya sanay sa mga pinapakita ni Garri sa kanya kahit alam nyang pag papangap lang ito. Kailangan nya pa ding pa kalmahin ang puso nya upang hindi mahilog dito. Para sa kanya sobrang hirap na makasama isang tulad ni Garri. Isang perfect guy para sa lahat ng mga babae. Sa loob ng isang lingo nilang pag sasama, wala itong makitang panget dito.
"Bakla, ikaw na talaga! Gustong gusto na kitang sabunutan!" Pag mamaktol ni Paula sa kaibigan nito.
"Beks, alam mo naman na isang palabas lang to." Sagot ni Everlie dito.
"Kahit na! Alam mo bang kinaiingitan ka ngayon ng maraming mga babae. Yung lahat ng nakapila kay Fafa Garri, nag luluksa na." Nakasimangot na wika nito.
"Hindi ko na kasalanan yun, after naman ng kontrata namin matatapos na ang lahat." Sagot ni Everlie habang nakatingin sa kawalan. Iniisip nito na saan nga ba sya pupulutin kapag natapos na ang kontrata.
"Gawin mo nalang ang best mo para hindi ka ma-hulog kay Garri. Alam ko naman na sobrang hirap nyan sa side mo bakla." Pag aalalang wika ni Paula.
"Bahala na Beks, para sa 1.5M gagawin ko to. Kesa naman maikasal ako sa anak ni Mr Tan. Habang buhay ko yung pag sisihan." Sagot nito kaya napabuntong hininga sila dalawa.
** Everlie's Pov **
*Ding dong*
Agad na napatayo si Paula sa kinauupuan nya para tingnan kung sino to.
"Si Everlie ba? Nasa loob sya, pasok ka muna." Dinig kong wika ni Bakla kaya umayos ako ng upo. Napakunot naman ang noo ko ng makita ang driver ni Garri.
"Maupo ka." Kinikilig na wika ni Paula.
"Good morning mam, pinapasundo po pala kayo ni Sir Garri." Wika nito kaya napatingin ako kay bakla. Naupo naman si Bakla sa tabi ko.
"Bakla, kung hindi para sakin si Fafa Garri, itong driver nya nalang." Mahinang bulong nito sakin kaya tiningnan ko sya ng masama.
"Alam mo ba ang dahilan kung bakit nya ko pinapasundo?" Nahihiyang tanong ko dito.
"Hindi po ma'am, ang sabi nya lang ay sunduin kita." Sagot nito kaya napabuntong hininga ako.
"Sige mag bibihis lang ako." Nakangiting sagot ko at pumanhik na sa kwarto ko.
Natigilan naman ako sa pag bukas ng closet ko. Ano naman kaya ang tamang damit na susuotin ko? Hindi naman pwede yung sinuot ko nung kabing pinakilala nya ako sa family nya.
*Tok tok*
Tiningnan ko ang pumasok na si Paula.
"May problema ba Beks?" Pag aalalang tanong nito.
"Oo eh, wala akong maisip na isusuot." Sagot ko dito.
"Madali lang yan, ako ng bahala sayo." Wika nito at pinaupo nya ako sa kama ko habang sya naman nang hahalungkat sa closet ko. Ilang sandali pa tumigil ito at humarap sakin.
"Girl, wala ka manlang bang maayos na dress?" Nakakunot noo na tanong nito sakin. Agad naman akong umiling. Sa totoo lang hindi kasi talaga ako mahilig mag dress.
"Jusme nakakaloka ka, dun nga tayo sa kwarto ko." At pailing iling itong lumabas. Sinundan ko naman ito sa kwarto nya.
"Nakakaloka ka talaga bakla, ipapahiram ko sayo tong dress ko, hindi ko pa yan nagagamit." Wika nito habang may kinukuha sa damitan nya. Si Paula kasi yung tipo ng bakla na mas babae pa sakin kung manamit.
"Thank you bakla!" Sa sobrang tuwa ko aye niyakap ko ito.
"Mag bihis kana, mamaya na ang drama." At tinulak na ako nito palabas ng kwarto nya.
After kong mag bihis, inayos ko na yung buhok ko. Marunong naman ako mag make up kahit papano. Natuto ako dahil kay Paula, sya din ang nag sponsor ng mga make up ko.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Napalunok nalang ako ng makitang sexy pala ng suot ko. Hindi kaya magalit sakin si Garri kung ganito ang ayos ko?
"Ay ang bongga mo Bakla!" Agad akong napatingin sa pumasok na si Paula.
"Hindi ba bastos tingnan?"
"Naku bakla, siguradong ma iinlove sayo si Fafa Garri pag nakita ka nya mamaya. Kinikilig na wika nito.
"Malabong mangyare yun, may mas maganda at sexy pa nga sakin na umaaligid sa kanya pero hindi nga nagustuhan, ako pa kaya." Nakangiting sagot ko dito.
"Ikaw pa kaya na pinili nya bilang Fake Wife nya? Girl sa lahat ng babae ikaw ang pinag pala kaya hindi malabong mag kagusto yun sayo." Kinikilig na wika nito.
"Ewan ko sayo Paula, ayukong mangyare yun, ayukong madagdagan ang problema ko." Wika ko at lumabas na kami ng Silid.
Naabutan naman namin si Cleo na may kausap sa phone. Nang mapansin kami nito medyo napatulala pa ito.
"S-si sir Garri po kasi tumawag, tinatanong nya kung naka ready kana daw ba." Nauutal na wika nito at umayos na ng tayo.
"Bakla, magagalit na talaga ako sayo kapag pati itong si Fafa Cleo ay nag ka gusto sayo." Mahinang bulong ni Paula sakin.
"Don't worry, kukunin ko number nya mamaya para sayo." Sagot ko dito kaya tuwang tuwa naman ito.
Hinatid kami ni Paula sa labas hangang sa makasakay na kami ng sasakyan. Mahigit kalahating oras din ang naging byahe namin hangang makarating kami sa isang hotel.
Naunang bumaba si Cleo at pinag buksan ako nito ng pinto. Todo alalay pa ito sakin ng bumaba ako ng sasakyan.
"Thank you" Nakangiting sagot ko. Nasa gilid ko lang si Cleo habang gina-guide nya ako sa pupuntahan namin. Pag pasok namin ng looby, agad kaming pinag tinginan ng mga tao.
"Mam hangang dito nalang po ako, paki hintay nalang si sir Garri." Wika ni Cleo. Iniwan ako nito sa gitna ng lobby kung saan pinag titinginan ako ng mga tao. Napayuko nalang ako dahil nahihiya ako.
"Miss artista ka ba? Pwede bang mag pa picture?" Wika ng dalawang kabataan sakin.
"Ah eh, hindi ako artista." Sagot ko dito.
"Ganun ba? Pero pwede bang mag pa picture pa rin? Ang ganda mo kasi." Wika nito kaya pumayag na ako.
Hindi nag tagal ay marami na ang lumapit sakin para mag pa picture. Hindi ko alam pero tingin nila sakin ay artista ako. Jusme ang hirap pala mag artista tapos wala manlang akong security. Wala bang balak ang hotel na to na i-assist ako?
---
Maya Maya pa ng si alisan na silang lahat kaya nakahinga ako ng maluwag. Inayos ko yung damit at buhok kong nagulo. Pag tingin ko sa unahan ko, napakunot ang noo ko ng makita si Garri na nakatayo habang nakatingin sakin. Sobrang gwapo nya sa suot nyang tuxedo. Para syang aattend sa isang party.
Lalapitan ko na sana ito ng bigla itong tumalikod sakin. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Hindi nga ba nagustuhan yung suot ko? Nagalit ba sya dahil pinag kaguluhan ako ng mga tao?
"Miss, flowers for you."
Napatingin ako sa lalaking lumapit sakin. Pag kaabot nito ng red rose ay agad din itong umalis.
"Ang ganda ganda mo ate." Wika ng isang batang babae at inabutan din ako nito ng flowers.
Sunod sunod na ang lumapit sakin at lahat sila ay binibigyan ako ng red roses. Marami na ding tao sa paligid habang kinukuhaan ako ng pictures and videos.
Tiningnan ko ulit yung pwesto ni Garri kanina pero wala na talaga ito. Parang gusto ko nalang umalis dahil para saan pa ang pag punta ko dito kung yung ipinunta ko naman ay walang ng paki sakin.
Napayuko ako dahil parang naiiyak ako dahil sa nararamdaman ko. Pakiramdam ko, may mali nanaman akong nagawa.
"Babe"
Nang laki ang mata ko ng marinig ang boses nya. Agad ko itong tiningnan muna sa likod ko. Yung hawak kong roses, kulang nalang ay masira dahil sa sobrang higpit ng pag kakayakap ko.
Naluhod ngayon sa harap ko si Garri. May hawak itong maliit na box. This moment alam ko na ang gusto nyang ipalabas.
"Everlie Laine Castro, will you marry me? Will you be my wife forever?" Tanong nito habang nakaluhod.
Hindi ko magawang alisin ang tingin ko kay Garri. Bakit pakiramdam ko totoo ang lahat ng pag papangap na to?
Tuluyan ng tumulo ang luha ko. Ewan ko ba kung bakit, siguro dahil alam kong hindi sya galit sakin. Nakahinga ako ng maluwag dahil tuloy pa din ang pag papangap namin. Tuloy pa din ang 1.5 million.
"Y-yes, Garri yes!" Masiglang sagot ko dito kasunod ang pag suot nito ng sing-sing sakin. Tumayo na ito at niyakap nya ako ng mahigpit. Todo palakpakan naman ang mga taong nasa paligid namin.
The next thing na ginawa ni Garri ay hinalikan ako nito sa noo. Hindi ko alam pero parang bumagal ang pag galaw ng mga tao sa paligid at biglang tumahimik. Tanging pag tiïbok lang ng puso ko ang aking naririnig.
-
After ng palabas namin ni Garri, sumakay na kami sa kotse nya. Hindi ko magawang mag salita dahil hindi pa rin ako nakaka moved on sa ginawa nya.
"I'm sorry kung hindi kita nasabihan about sa proposal ko." Wika nito habang nag mamaneho.
"O-okey lang, nagulat lang ako sa nangyare." Nauutal na sagot ko.
"Kailangan ko kasing mapabilis ang lahat ng satin para maihanda ko na ang wedding natin." Muling wika nito. Tumango nalang ako bilang sagot.
-
Akala ko uuwi na kami after ng proposal nya, pero dumaan muna kami sa restaurant para kumain.
"May problema ba? Napansin ko kasing kanina ka pang tahimik." Wika nito after nyang mag order ng foods namin. Sasagot sana ako ng biglang may lumapit sa table namin.
"Iha Erverlie!" Tawag sakin ni Mr Tan kaya napatayo ako ng lumapit ito sakin.
Nak ng tinapa naman o, sa Dami daming lugar dito pa kami mag kikita ng matandang to. Kasama ko pa naman si Garri. Huwag lang talaga mag sasalita ng panget sakin Ang matandang to ay naku, baka di ko sya matansya.