Everlie's Pov Sana mag work out itong pakulo ni Paula. Sana lang talaga ay mag kaayos na itong si Cleo and Mariel. "Pass!" Wika ni Mariel ng matapatan ulit sya ng bote. Pang ilang pass na ito, kaya siguradong lasing na sya. Bakit kasi ayaw nya mag truth or dare, radar nya na siguro ang itatanong at ipapagawa namin sa kanya. Naku Bakla, mission failed tayo pag ganito. "Wahh si Sir Garri na!" Tuwang tuwa na wika ni Paula. Ito kasi ang unang beses na natapatan si Garri tapos si Mariel naman yung mag tatanong dito kung truth or dare. "Dare" Agad na wika ni Garri kahit mag sasalita palang si Mariel. "I-kiss mo sa lips si Everlie." Nauutal pa na wika ni Mariel dahil sa kalasingan nito. Namumungay na nga ang mga mata nito. Sana lang talaga ay mag work ang plano namin. "Everlie." Tawag

