**PAULA'S POV**
Habang busy si Fafa Garri at Everlie sa pag hahanda nila para sa pag haharap ng mga parents nila. Nakita ko si Fafa Cleo, sharness mga bakla, naka sando ito na white at naka summer short. Ang yummy nya sa suot nya.
Patago ko itong sinundan, hangang makarating ito sa pool side. Napalunok naman ako ng hubarin nito ang sando nya. Sharkness mga bakla, ang dami nyang pandesal.
"Mukang enjoy na enjoy ka sa panunuod sa kuya ko."
"Ay baklang toh!" Gulat na wika ko at napahawak pa ako sa dibdib ko. Tiningnan ko si Yvette na masama din ang tingin sakin.
"Dun kana nga, panira ka talaga ng moment ko." Inis na sabi ko dito.
"Alam mo bakla masama yang ginagawa mo. Hindi ka ba natatakot na tubuan ng kulitiw dyan sa mata mo?" Pananakot nito kaya napahawak ako sa mata ko.
Kahit kelan talaga itong si Yvette daming alam. Nag walk out nalang ako paalis at pumunta sa dalampasigan. Gusto kong mapag isa, nakaka stress talaga ang babaeng yun. Bakit kasi sinama pa sya ni Mariel. Ako lang naman ang need nila dahil kay Everlie.
Habang nag lalakad lakad ako sa dalampasigan. Napakunot ang noo ko ng makita si Mariel na naliligo. Ang bongga din naman pala ng secretary nitong si Mr Garri.
Naka cross arm ako habang pinapanuod ang pag ahon nito sa tubig. Ang perfect naman ng body shape nito. Size palang ng hinaharap nya ang bongga na. Kailan kaya ako mag kakaroon ng ganun? Idagdag pa natin yung tambok ng pw*t nya. Napahawak tuloy ako sa pw*t ko. Di naman nag kakalayo yung pw*t namin kaya may ipag mamayabang pa ako.
"Paula!" Sigaw nito sakin kaya tumayo ang ng ayos at rumampa papalapit dito.
"Maliligo ka Rin ba?" Tanong nito. Napalunok naman ako ng humarap ito sakin. Bakit pag si Everlie ang humarap sakin ng ganito wa pakels ako. Pero bakit pag kay Mariel parang naiilang ako.
"Okey ka lang ba bakla? Bakit parang namumula ka?" Pag aalalang tanong nito.
"Ano, medyo sensitive kasi ang balak ko. You know naman tirik na tirik anv araw. Later na ako maliligo, enjoy nalang sa pag swimming mo." Wika ko dito at agad ng umalis.
Jusme, ano ba tong nararamdaman ko. Mahangin naman pero bakit ang init ng pakiramdam ko? Kailangan ko atang lumayo kay Mariel, hindi sya healthy para sakin.
Muli ay nag lakad-lakad ako. Nakasalubong ko nanaman si Yvette kaya agad akong umiwas dito.
"Hoy malditang bakla!" Sigaw nito sakin kaya napa tigil ako at humarap dito. Tiningnan ko sya ng masama habang naka pamewang.
"Ano nanaman bang kailangan mo Yvette. Nandito ako para mag relax, hindi para ma-stress." Inis na wika ko dito.
"Wag mo ko artihan bakla, hindi bagay sayo. Kanina ka pang hinahanap ni Sir Garri." Inis na wika nito at inirapan ako.
Kailangan kong kumalma, tandaan mo Paula, kapatid yan ni Cleo. Para makuha mo ang puso ni Cleo, dapat maging mabait ka sa kapatid nya.
"Ganun ba, sorry Yvette kung nag mamaldita ako. Mag kakar*gla ata ako." Wika ko dito at lumapit sa kanya. Yumakap ako sa braso nito, nawala din naman agad ang inis nito.
"Paano ba mawawala yung pagiging bakla mo Paula?" Seryosong tanong nito habang nag lalakad kami.
"Masaya ako sa pagiging ganito, bakit ba gustong gusto mong maging lalaki ako?" Medyo inis na tanong ko dito.
"Ayaw mo bang mag karoon ng sariling pamilya?" Muling tanong nito.
Bigla akong napaisip sa sinabi nito. Sa totoo lang ito ang unang beses na may nag tanong sakin nyan. Para sakin kasi okey na ako na ganito. Kontento na ako na kasama ko si Everlie, pero paano pag nag Asawa na ito at nag karoon ng sariling pamilya?
** Everlie's Pov **
Sumasakit na ang ulo ko dahil sa mga information na pinapasaulo sakin ni Garri. Bawat basic information about samin nila Nanay Lucy at tatay Daryo napag usapan na namin.
"Time out muna Garri." Wika ko dito. Uminom ako ng tubig ay nag unat ng kamay.
"Sige iho, bukas nalang ulit. Mukang pagod na itong si Everlie." Wika ni Nanay Lucy.
"Oo nga iho, mag relax na muna kayo. Isa pa kagagaling nyo lang sa byahe." Wika ni tatay
Kanina ko pa talaga gustong maligo ng dagat. Itong si Garri naman kasi napaka KJ. Pero shempre, ang ipinunta naman talaga namin dito ay ito kaya kailangan namin pag handaan.
"Sige po, bukas nalang po ulit." Wika ni Garri sa mag asawa kaya umalis na ang mga ito.
Bigla naman akong nabuhayan ng loob dahil sa wakas makakaligo na din ako.
*Tok*tok*
Pumasok naman sa loob si Paula at Yvette.
"Pinatawag mo daw ako sir Garri?" Tanong ni Paula.
"Yes, for now on gusto kong ikaw muna ang pansamantalang maging secretary ni Everlie." Wika nito na ikinagulat ko.
"You mean personal julalay ang peg ko ganun ba yun?" Nakakunot noo na wika ni Paula. Tumango naman si Garri bilang tugon.
"Bongga! Go ako dyan Fafa Garri!" Tuwang tuwa na wika ni Paula.
"Ikaw na ang bahala kay Everlie sa tuwing may occasion kaming pupuntahan. Nasabi nya kasi sakin na magaling ka daw mag make up Lalo na ang mag pili ng damit na ipapasuot sa kanya. Don't worry Paula, malaki ang magiging talent fee mo sakin." Wika ni Garri dito kaya kitang kita ko sa mata ni Paula ang pag ka tuwa.
After nitong makausap si Paula, nag paalam na ito sakin na pupunta na sya sa kwarto nya.
"Bakla, swimming na tayo!" Excited na sigaw ko dito. Para kaming bata na nagtatatalon sa tuwa.
"Sure bakla, tara na para makapag bihis kana. Ikaw din Yvette mag bihis kana dahil mag suswimming na tayo!" Wika ni Paula at hinila na kami nito ni Yvette.
Nang makarating na ako sa kwarto ko, maraming mga paper bag ang nasa kama ko.
Tiningnan ko Isa Isa ang mga laman nito. Karamihan ay puro summer dress ang nandito. Napalunok naman ako sa mga swimsuit na binili nila. Mukang mapapalaban ang katawan ko dahil sa mga pinili ni Paula.
*Tok * tok*
"Pasok!" Wika ko.
Pumasok naman si Paula. Ang bruha naka one-piece, seryoso talaga sya sa suot nya? Rumampa ito sa harap ko at todo posing pa.
"Gaga, bakat yung ano mo!" Wika ko dito kaya agad nitong tinabunan yung harap nya.
"Seryoso ka ba dyan girl? Inipit ko na to ng bongga eh." Naka pout na wika nito.
"Oo nga, mag short ka nga. Ang halay tingnan eh." Wika ko dito kaya nag madali itong bumalik sa kwarto nya. Ilang sandali lang ay nakabalik na ito. Nag short ito ng sobrang igsi, mas better ito tingnan kesa kanina.
"Okey na ba?" Nakangiting tanong nito.
" Oo, ang problema ko yung susuotin ko. Bakit naman kasi puro 2piece ang binili nyo?" Inis na wika ko dito.
"Si Mariel ang pumili nyan, Ewan ko ba sa babaeng yun, gusto nya ata na akitin mo si Fafa Garri." Wika nito habang tinitingnan ang mga pinamili nila.
"Baka may short ka pang extra dyan, mag ka size naman tayo." Pag mamakaawang wika ko dito.
"Naku girl, iisa lang to. Wag kana mag inarte, hindi naman ito ang unang beses na nag suot ka ng ganyan. Alalahanin mo, best in swimsuit attire ka nung lumaban ka sa beauty contest nung college tayo." Wika nito kaya napangiti ako.
"Sabagay, tayo lang naman ang nasa resort kaya wala na mashadong makakakita." Wika nito kaya nag bihis na ako.
Pag dating namin sa dalampasigan, nandun na si Mariel, Yvette at Cleo. Ang gag*ng si Paula luwa nanaman ang mata dahil kay Cleo.
"Si sir Garri ba yun?" Wika ni Mariel kaya lahat kami napatingin sa tinitingnan nito.
"Sir Garri!" Sigaw nilang lahat dito. Nasa terrace kasi si Garri sa kwarto nya. Agad din naman itong kumaway samin. Tumalikod na din ito at pumasok na sa kwarto nya.
Nag simula na kaming maligo. Mabuti nalang at palubog na ang araw kaya hindi na mainit sa balat. Habang nag babasaan kami nila Paula, natanaw namin si Garri na papalapit samin.
"Oh my gosh, ang hot ni Fafa Garri." Wika ni Paula.
Napalunok naman ako, parang gusto kong uminom ng maraming tubig. Paano naman kasi itong si Garri, maliligo ng naka short lang.
Paano kaya nya na maintain ang ganyang pangangatawan. Kung maganda ang katawan ni Cleo, mas maganda yung body shape ni Garri.
"Ang mata Paula." Mahinang wika ni Yvette kaya natawa ako sa sinabi nito.
Kahit kelan talaga agaw eksena din itong si Garri. Pwede naman kasing maligo ng naka T-shirt, bakit kailangang nakahubad pa sya. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapatingin sa pandesal nya. Jusme mag kakasama ako sa ginagawa nya!