“Tara na’t bumalik sa kapatid mo pag sikat na pag sikat ng araw pupunta na tayo rito.” Aya ni Lux sa anak habang nakatingin pa ito sa malaking larawan ng lolo’t lola niya. “Kaagad?” reklamo ni Luxy sa ina. “Kailangan na nating makauwi sa kapatid mo bago pa ito magising at hanapin tayo, mahaba haba pa ang lalakbayin natin kahit na mabilis pa tayo tumakbo,” paliwanag niya kay Luxy at agad naman din silang lumabas sa bahay. “Kaya mo na bang tumakbo?” tanong ni Lux habang nakatingin dito. “Nakaipon naman na siguro ako ng lakas kahit papaano no,” sagot ni Luxy sa ina habang nakatingin ito sa harapan. “Pag mabagal ka iiwanan kita.” Biro ni Lux sa anak habang nakangiti. “Bakit parang ang saya mo ngayon Ma?” pagtataka ni Luxy sa ngiti ng kanyang mama Lux. “Mas magiging masaya ako kung makaka

