Nahiga sa kama si Lily dahil sa pagod kahit pa ang pinapagawa lang naman sa kaniya ni Master Lua ay ang mag isip, pero hindi madali ‘yun para sa kaniya dahil sa ngayon, kalaban niya ‘yun at kailangan niyang makasundo ‘yun. Ilang beses siyang nagpaulit ulit hanggang sa matapos ay hindi niya pa rin ito nagawa ng tama. Ang dalawa naman na si Chief Lee at Miss Kate ay problemado rin sa kama kung saan sila nakahiga dahil walang sinuman sa kanila ang nakagawa ng pinapagawa ni Master Lua. Si Chief Lee ay napagod sa pagbuga at pag control ng power niya kaya nakatulog na agad pagkahiga sa kama niya. Si Miss Kate naman ay nag isip isip muna kung paano ang sunod na gagawin niya. Tumayo si Miss Kate sa kama at pumikit ito, iniisip na ginagamit niya ang powers at sinasalo ng portal ang mga bola, par

