Pagka pasok niya ng hapag kainan ay may nakita na siya kaagad na isang pitchel na may laman na tubig at katabi nito ang isang baso. Lumapit siya sa lamesa para kuhanin ang pitchel, pinuno niya ang isang basong tubig at ininom niya ito. Sa kalagitnaan ng pag inom niya ng tubig ay napansin niyang may pumupuslit sa kusina kaya itinigil niya ang pag inom at lumapit siya para tignan ito. Sisilip na sana siya nang naisipan niyang paganahin muna ang kaniyang kapangyarihan. Naging pula ang kaniyang mata at nakita niya ang isang lalaking hugis na walang damit. Binubuksan nito ang washing machine at inilagay ang mga damit. Sumagi sa utak niya ang sinabi ni Keptler na maglalaba na rin siya kaya alam niyang si Keptler ‘yun. Tumalikod siya at inubos ang iniinom na tubig, binaba niya ang kaniyang baso

