Chapter 37 EXCITED NA excited na ako, why? Dahil bukas na ang hinihintay ko, ang matagal ko ng pangarap, bukas na ang aming sumpahan ni Kinver sa harap ng maraming tao, sa harap ng diyos. Nandito kami ni Kinver ngayon sa mall, pinasyal niya ako dahil nababagot na ako sa bahay. So here we are, kumakain, nagso-shopping, hindi pa nga lumalabas si baby ay nag-shopping na ang daddy niya for her or him. Hmm, excited na din akong malaman kung ano ang gender ni baby. One month nalang ang kailangan at pwede na akong magpa-ultrasound. Magpo-four months na kasi si baby. Ang bilis ng panahon no? 'Di magtatagal ay may kinakarga na akong baby sa bisig ko. Pati nadin si Kinver. "Are you tired?"Tanong ni Kinver, tumango ako kasi naman sa dami ng kinain ko kanina'y napagod ako ng sobra. Lumulubo na an

