Chapter Eleven ZOREN NAGULAT ako at bahagyang nahiya nang makita kami ni Chloe sa ganoong posisyon kaya naman agad-agad akong tumayo at nagtungo sa upuang nasa harap ng aking laptop. T*ng- ina! Bakit ba kasi nakalimutan kong i- lock yung pinto? Kanina pa siguro siya kumakatok ngunit dahil busy ako sa ginagawa namin ni Chenley ay hindi ko na napuna. Alam kasi ni Chloe na kapag hindi ko binubuksan ang pinto ay may ginagawa ako kaya siya na ang nagkukusang magbukas. Hindi rin kasi siya basta- bastang pumapasok sa aking silid kung hindi siya maglilinis at kung hindi ko siya uutusan. Malas nga lang ngayong araw na ito dahil nasaksikhan niya ang hindi dapat makita. Kaya naman nang marinig kong nakakainsulto na ang mga salita ni Chenley ay pinatigil ko na sa pagsagot si Chloe, ngunit hi

