Chapter Fifteen DON AMORSOLO HINDI KO naman kailangang itago ang aking nararamdaman kay Chloe. Oo, matanda na ako pero noong mga panahong nagdadalamhati ako sa pagkawala ng aking asawa ay siya ang dumamay sa kalungkutang nadarama ko. Simula nang dumating siya dito sa mansion ko ay biglang nanumbalik ang saya sa aking puso. Totoo ang lahat ng sinabi ko sa kanya. Bukod sa gusto ko siya ay gusto ko rin talagang siyang matulungan sa dinadala niyang problema. Kung papayag siya sa aking alok ay hindi na siya mangangamba sa kanyang kaligtasan at sa kaligtasan ng kanyang mga magulang kailan man. Bata pa siya, alam ko ngunit handa akong akuin ang lahat ng pasanin niya sa buhay. HINDI KO kailan man pagsisisihan na nagsabi ako ng totoong nararamdaman ko sa kanya. Alam kong galit siya sa mga n

