Chapter Fourteen FOUR MONTHS LATER . . . . . CHLOE SA PAGLIPAS nga ng buwan ay nararamdaman kong iba ang trato sa akin ni Don Amorsolo kumpara sa mga kapwa ko kasambahay. Madalas na siyang nakikipag- usap sa akin at nagkukwento ng mga bagay- bagay tungkol sa kanyang naging buhay noong siya ay nasa military pa lamang. Nagbibigay rin siya sa amin ng mga pagkain kapag siya ay galing sa labas. Bukod doon ay dinagdagan din niya ng limang libong piso ang aking sahod kada buwan para raw makapag- ipon ako ng mas mabilis. Wala naman siyang sinasabi sa akin ngunit nararamdaman kong iba ang kanyang pinahihiwatig. Ngunit ayoko namang bigyan iyon ng ibang kahulugan na may gusto nga siya sa akin dahil para ko na siyang tatay. Siguro ay busilak nga lang talaga ang kaibuturan ng kanyang puso. N

