"MAYA, may bisita ka," wika ni Helen sa pamangkin na abala sa paghuhugas ng kanilang pinagkainang almusal. "Sino ho, Tiya?" "Si Tyron. Nasa sala. Iwan mo muna iyan diyan," anang ginang. Napabuntong hininga si Maya. Iba ang inasahan niya. Excited pa naman siya at akala niya ay si Brad na ang dumadalaw sa kanya. Nagbanlaw muna siya ng nga kamay at saka hinarap si Tyron. "Ano'ng meron?" bungad na wika niya sa binata pagkakita niya rito. "Okay na ba, Maya? Nagpaalam ka na ba kay Aling Helen?" usisa ni Tyron. Nakasuot na ito ng uniporme. "Oo. Pinayagan na ako. Pinayagan na rin ako ni Tiyo Edward, pati na ng amo ko sa tindahan." Tumikhim siya. "Bakit ka nandito? Ihahatid mo na ba ako sa uncle mo?" "Sorry, Maya. Wala na kasi akong time. Ma-li-late na ako sa shift ko kapag inihatid pa kita.

