CHAPTER 1

1124 Words
“I’M pregnant,” bunyag ni Lorraine sa limang taon na niyang nobyong si Brad. Kaagad namang sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi ni Brad sa narinig na balita. Magiging daddy na siya! Hinawakan niya ang mga kamay ni Lorraine at hinagkan iyon. “Dapat siguro magpakasal na tayo bago pa lumaki ang tiyan mo,” aniya. Halata sa mga mata niyang kumikislap ang pagkasabik. “I planned to propose last year, but your schedule was too hectic. I didn’t want to spoil your booming career. Pero ngayon, pwede na. This is unplanned, and I am so unprepared, but it doesn’t matter, right?” He rushed to kneel on the ground and took Lorraine’s hand. “Marry me, Lorraine, and let us give our baby a happy family.” Lorraine sighed. “Can you not get it, Brad?” tila naiiritang wika nito. “I’m not ready. I am not marrying you, and I am not keeping this baby.” Brad’s jaw dropped. Nabitawan niya ang kamay ng nobya. “What do you mean you’re not keeping the baby— our baby?” Lorraine gulped. “May schedule na ako sa doktor. Ipapalaglag ko ang bata.” Nagtagis ang mga bagang ni Bradley sa narinig. Mabilis siyang tumayo at hinawakan nang mahigpit ang braso ng nobya. “Hindi mo gagawin iyan,” mariin niyang wika. “Katawan ko ito, Brad. At career ko ang kapalit kapag itinuloy ko ang pagbubuntis ko. Naintindihan mo ba?” “Ilang taon na kitang pinagbibigyan, Lorraine. Hinayaan kitang gawin lahat ang gusto mo alang-alang diyan sa p****ginang career mo! Pumayag akong itago mo ang relasyon natin nang ilang taon. Pero itong gagawin mo ngayon, hindi ko na pwedeng palampasin pa.” Iwinasiwas ni Lorraine ang kamay ng nobyo. “It’s your fault, Brad! Hindi ka nag-ingat. Sinabi ko naman sa iyo, huwag mo akong bubuntisin.” “Ano pa ba ang magagawa natin? Nandiyan na iyan. Kailangan natin iyang panindigan,” wika ni Brad. “Brad, hindi pa naman talaga ito bata. Dugo pa lang ito. I am just two months pregnant. Mahina pa ang kapit nito.” “Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Lorraine? Kasalanan sa Diyos ang gagawin mo,” wika ng binata. “I’m not even religious, so I'm not buying that,” pagmamatigas na wika ng dalaga. “Itutuloy mo iyang pagbubuntis mo, o ako mismo ang sisira ng career mo?” Matalim ang tinging ipinukol ni Brad sa nobya. “Ano ang ibig mong sabihin?” kinakabahang wika ni Lorraine. “If you leave me no choice, ipapaalam ko sa mga tao ang matagal na nating relasyon. Pati na iyang pagbubuntis mo at ang balak mong pagpapalaglag,” tugon ng binata. Nakita niya ang pag-awang ng labi ng nobya. “Kapag nalaman ng mga tao ang totoo, sa tingin mo may babalikan ka pang trabaho? Maipapalaglag mo ang anak ko, pero hindi ka na makababalik pa sa pag-aartista mo dahil masisira na ang pangalan at reputasyon mo. People will despise you.” “You won’t do that. You love me,” wika ni Lorraine habang mahigpit na nakakuyom ang mga palad. Iyon na ang huling alas niya— ang pag-ibig sa kanya ni Brad. “Masyado mo nang ginagamit ang pagmamahal ko para sa iyo, Lorraine. Nakakapagod!” ani Brad. “This time, ako naman ang magpapasya para sa ating dalawa. You will continue your pregnancy, or it’s the end of your career.” Ura mismo, nagsisi si Lorraine kung bakit niya pa sinabi kay Bradley ang tungkol sa pagbubuntis niya. Sana ay dumeretso na lang siya sa pagpapalaglag. “End my career, and I will end our relationship,” banta naman niya. Akala niya ay matitinag niya si Brad, ngunit hindi. He smirked. “Fine. Break up with me anytime you want. Kung gusto mo pa nga ako na mismo ang tatapos ng relasyon natin ngayon. Let’s end us, but I still want my child.” Hindi makapaniwalang umiling si Lorraine. “Na-realize ko rin na wala naman akong mapapala sa iyo, Lorraine. Ilang taon na ba akong naghihintay sa iyo? Every time you achieve something, you still want more. You never get contented. Nasaan ang assurance ko na pagdating nga ng araw ay pakakasalan mo ako? May plano ka nga ba para pakasalan ako?” He waited for Lorraine’s answer but did not receive any. He freed a deep breath. “See? Pinapaasa mo lang ako. I loved an ambitious woman, and this is what I get.” He smiled bitterly. “What’s wrong with being ambitious? Don’t make me feel guilty about having big dreams. Hindi lang sa iyo umiikot ang mundo ko,” pagsigaw na wika ng dalaga. “Did you even really love me, Lorraine?” Nagsimulang mangilid ang nga luha ni Brad, ngunit sapat pa ang lakas niya upang pigilang bumagsak ang mga iyon. “Oo, minahal kita. Mahal kita, pero mas mahal ko ang sarili ko at ang mga pangarap ko,” tugon ni Lorraine. Tumango si Bradley. “I see.” “Kaya ipapalaglag ko ang bata sa ayaw mo at sa gusto.” “Don’t try my patience, Lorraine. Sa pagkakataong ito, ako ang susundin mo. Ipagpapatuloy mo ang pagbubuntis mo. Manganganak ka at pagkasilang mo sa bata ay ibibigay mo sa akin. Pagkatapos no’n ay malaya ka nang gawin ang lahat ng gusto mo. Hindi na kita gugulihin.” “What? That’s ridiculous!” naiiling na wika ni Lorraine. “Iyan ang kondisyon ko. Kung hindi mo ito susundin, maghanda ka nang magpaalam sa pag-aartista mo,” matigas na wika naman ni Brad. Sa inis ay nag-walk out si Lorraine. Umigting ang mga panga ni Brad. Sisiguraduhin niyang isisilang ni Lorraine ang kanilang anak. Isang artista si Lorraine at unti unti na itong nakikilala sa larangang iyon. Gumagawa na ito ng ingay at pangalan. Ang karera nito ang naging mahigpit niyang karibal sa dalaga. Ilang taon din niya itong sinuportahan nang tahimik, ngunit wala itong pagkakontento. Mukhang wala itong balak para sa kanilang dalawa. Ang totoo ay sinadya niyang buntisin ito. Akala niya ay iyon na ang paraan upang pumirmi ito at nang umusad na sila sa susunod na kabanata ng kanilang buhay bilang magkasintahan, ngunit nagkamali siya. Dahil sa nakita ni Lorraine na seryoso siya sa kanyang banta ay wala itong nagawa kundi ang sumunod. Nag-lie low muna ito sa limelight na kunwari ay nagbabakasyon sa ibang bansa. Months later ay nagsilang ito ng isang malusog at cute na baby girl. Pinangalanan ito ni Brad ng Isabella alinsunod sa pangalan ng kanyang yumaong lola. Handa na siya sa bagong buhay niya kasama ang kanyang supling. Katulad ng ipinangako niya kay Lorraine, lalayo siya at hindi na ito guguluhin pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD