HINDI mapalagay si Tyron. May pumapasok sa kanyang isip na ayaw niyang bigyan ng pansin ngunit ayaw siyang tigilan sa pagkabagabag. Pagkatapos ng kanyang shift sa araw na iyon ay bumalik siya sa lumang bahay upang alamin kung nakauwi na si Maya. He rang the gate bell. Si Maya mismo ang nagbukas niyon para sa kanya. "Hi, Tyron!" nakangiting wika ni Maya. Kabado siya ngunit hindi siya maaaring magpahalata. "Kakauwi mo lang?" usisa ng binata. "Oo, eh." "Saan ka nanggaling?" "Nagpa-enroll ako kaninang umaga, tapos niyaya ako ng mga kaklase ko sa isang birthday party. Nagpunta ka raw kanina, at hinahanap mo ako?" Tumango si Tyron. "Gusto ko lang sanang sabihin sa iyo na granted na ang scholarship mo." He smiled. "Congrats, Maya! Siguradong makakatapos ka na ng college." Hindi na nagulat

