"LORRAINE..." matabang na wika ni Brad kasabay ng isang mabigat na buntong hininga. Sa sandaling iyon ay tumunog ang kanyang cellphone. Si Sofia ang tumatawag. Kaagad niya iyong sinagot iyon nang hindi inaalis kay Lorraine ang paningin. "Brad, I'm sorry, I can't come. I'm really sorry. I promise, bukas, sigurado nang makakapunta ako riyan. Or if you want, magkita na lang tayo sa labas." "It's okay," tugon ni Brad. "I'll just wait for you here tomorrow." Hindi na niya hinintay ang iba pang sasabihin ni Sofia at ibinaba na ang tawag. "What are you doing here?" seryosong usisa niya kay Lorraine na all smiles sa kaniya. "Is that how you welcome the mother of your child? Of course nandidito ako para sa inyo ni Isabella! Where is she?" pabalik na tanong ni Lorraine. "You're not even welcome

