Nag text si Betty na nakauwi na sila ng bahay ni Berry at sinabihan pa si Bel na mag ingat at tumawagang kapag kailangan niya ng tulong. Nauna ng umuwi si Jude sakay ni Zorro habang si Bel ay naglalakad lang na sumunod sa kanyang asawa na hindi na nagsalita ng kahit ano laban sa kanyang mga kapatid. Tahimik lang na binabaybay ni Bel ang daan pauwi ng sinabayan ng sasakyan ni Madeleine ang kanyang paglalakad at panay pa ang malakas na busina na para bang inaasar pa siya ngunit hind niya na lang pinapansin. Hind nakatiis si Madeleine at humimpil na sa gitna ng tahimik na kalsada at saka mayabang na hinila ang balikat ni Bel na naglalakad para humarap sa kanya. "Ang yabang mo na, ha? Ano nagyayabang ka na porke may dalawa kang amasonang mga kapartid na handa kang ipagtanggol?" maangas na

