Kahit masakit ang buong katawan dahil sa pag-iisa nila ng asawang si Jude idagdag pa ang pisikal din na pananakit ay pinilit pa rin ni Bel na bumangon sa madaling araw para magluto ng almusal para sa asawa. Hirap na hirap man humakbang dahil humahapdi ang pagitan ng mga hita ay nagpatuloy pa rin si Bel sa kanyang nakagawian ng gawin sa umaga. “Tamang-tama lang pala ang oras,” sabi ni Bel na tumingin sa wall clock at saka inayos na ang mga pagkain na kakainin ng asawa. Oras na kasi ng pagbaba ng asawa mula sa silid nito para nga makapag almusal na. Bumalik na muna ng kape si Bel sa kusina para mag timpla ng mainit a kape ngunit pagdating niya sa dining area ay natigilan siyang humakbang. Nasa loob na kasi ang asawa niyang si Jude. Nakaupo na ito ngunit hindi pa ginagalaw ang pagkain na

