Hindi lang si Luke ang nais makaranas ng buhay sa lugar na kinalakihan ng kanyang mama kung hindi maging ang kanyang kambal na babaeng si Barbie kaya naman kahit saan magtungo ang kanilang Lolo Ben ay lagi silang nakabuntot. “Dahan-dahan kayo mga apo, ha. Lalo ka na Barbie baka naman magasgasan ka at mapagalitan pa tayo sa nanay niyo,” pag-alala ni Lolo Ben habang nakasunod din sa bawat ginagawa ng mga apo. Sumama kasi ang kambal sa pag-aani ng mga mais. “Lo, huwag niyo pong aalalahin si Barbie at mas astigi pa nga kong kumilos yan kaysa sa akin,” sabi ni Luke na patuloy lang sa pagkuha ng mga mais kasama pa ng iba pang taong umaani. “Kaya nga po, Lo. Huwag niyo po akong alalahanin at kahit magkasugat po ako ay wala naman pong problema sa akin. Gumagaling po ang sugat pero ang kaalaman

