“Barbie! Humawak kang mabuti sa tali at huwag kang bibitaw!” sigaw ni Jude ng mailapit na ang kanyang kabayo sa tumatakbong kabayo ni Barbie. “Opo!” ang tanging nasagot lang ni Barbie dahil talagang hindi na rin makapagsalita sa sobrang kinakabahan sa mangyayari sa kanya. “Susubukan kong lumipat diyan kaya kumapit ka lang!” wika pa ni Jude na pilit na inaabot ang katawan ng kabayo kung saan nakasakay si Barbie. Pero ilang beses ng tinagngka ni Jude na lumipat ay hindi niya magawa at ilang beses na rin muntik malaglag sa lupa. “Huwag na po! Baka dalawa pa po tayong mapahamak kapag po pinilit niyo pang sumakay dito!” saad ni Barbie na nakakapit ng mabuti sa tali ng kabayo para huwag siyang mahulog. Ngunit hindi pinapakinggan ni Jude ang anak na babae at ilang pilit pa rin na inaabot ang

