Kahit ininsulto lang si Bel ng kanyang asawa tungkol sa pangungutang niya rito ay hindi siya nasiraan ng loob bagkus ay dinagdagan pa ang kanyang pagiging masipag at nagbabakasakaling makita ng kanyang asawa ang kanyang pagsusumikap at magbago ang isip nito. “Ma'am Bel, huwag ka ng tumulong at kaya na namin lahat ito,” sabi kay Bel ng isang trabahador na nagsisilong ng mga nakabilad na araw dahil biglang dumilim ang langit at nagbabadya na bumuhos ang malakas na ulan. “Tutulungan ko na kayo para mas mabilis,” ang sagot ni Bel na mabilis na nakikisalok ng palay gamit ang pansalok na gawa sa lata ng gatas. Kailangan na maisilong ang mga tuyo ng palay dahil oras na abutan ng ulan ay aanurin ito o kaya naman ay mababasa at panibagong pagod na naman sa pagbibilad. At hindi lang yon, malamang

