"Anak, bakit ang dami naman nitong pinamili. mo? Baka naman magalit si Jude at pati kami ay inaalala niyo?" ani ng nanay ni Bel sa kanya ng makita ang mga groceries na pinamili niya para sa mga ito at ang mga gamot na dapat bilhin para sa kanyang papa. "Ma, wala po yon. Huwag niyo na pong alalahanin," sagot ni Bel na siya na ang nagsasalansan sa mga pinamili sa lagayan nila ng mga groceries. "Mabuti naman nakauwi ka?" ang papa ni Bel ang nagsalita kaya nagmamadaling lumapit si Bel para magmano. "Opo, Pa. Miss ko na po kasi kayo kaya umuwi muna po ako, " masayang sagot ni Bel dahil nakakatayo na rin ang kanyang papa. Nakakapaglakad na rin ito at nagagawa na ang mga dating ginagawa. Pero kailangan pa rin uminom ng gamot para hindi na maulit ang nangyari rito. "Akala mo naman ay taon na t

