Chapter 58 NIHAN "Nasaan ako?" tanong ko sa aking sarili. Nasa akin pa rin ang takot sa mga nangyari sa'kin. Inikot ko ang mga mata ko sa loob ng kwarto na hindi na naman familiar sa akin. Walang tao at tahimik napapalibutan ng puting kurtina nilalaro ng hangin dahil nakabukas ang bintana. Dahan-dahan akong bumangon wala akong matandaan sa nangyari sa akin. Malaki ang kwarto at malinis ang loob pakiramdam ko ay nasa tabi ng dagat ang kung saan ako ngayon. Tinungo ko ang bintana na dinadaanan ng sariwang hangin papasok sa loob ng kwarto. Pagbukas ko ng bintana ang malamig na hangin ang sumalubong sa akin. May nakita rin ako na malaking veranda at may bulaklak ito gilid nito. Nasisiyahan ako na pagmasdan ang mga magagandang mga bulaklak. I took a long deep breath. Nakangiti ako na bin

