Sa Fairview nakatira sina Kuya Renato at ang asawa nitong si Ate Lydia kasama ang limang taong gulang nilang anak na si Ikoy. Si Ikoy ay makulit pero mabait na bata. Magalang at masunurin sa matatanda. Sadyang palatanong lang talaga kaya aakalain mong makulit. Pero normal lang naman sa mga batang nasa ganitong edad ang maging palatanong. Isang hapon, tinawagan ako ni Kuya at tinanong kung puwede ba akong magbantay kay Ikoy ng kahit isang gabi lamang dahil bibisita sila sa namatayang kaibigan sa Sampaloc, Manila. Una, may kalayuan ito sa kanilang bahay at pangalawa, medyo may lagnat kasi ang aking pamangkin kaya hindi puwedeng isama ito sa pakikiramay. Pumayag ako dahil sabado naman kinaumagahan at wala akong pasok sa school at wala rin akong lakad. Isang oras din ang aking naging biya

