Chapter 26 "W-What?" naguguluhan kong tanong. His emotionless gray eyes met mine. Our eyes locked. Masyadong mabibigat ang titig niya kaya hindi ko na nakayanan at ako na ang umiwas. Ibang-iba na siya sa lalaking kilala ko noon. Sa lalaking minahal ko noon at masakit isipin na isa ako sa mga dahilan ng pagbabago niya. I like the Raf I knew before. The playful one and his famous smirk. His eyes that full of love for me, not like this. I was startled at napatigil ang iniisip ko ng hawakan niya ang noo ko. "You still have a fever. Go back to your room" aniya at biglang tumalikod na. Pinanood ko siyang maglakad hanggang sa pumasok na siya sa isang pinto, katabi ng akin. So that's his room. Mabagal ang bawat lakad ko dahil sa panghihina. He didn't even guide me papunta sa room ko.

