Chapter 1
"Cerene, thank God dumating ka na. The make up artist is waiting. C'mon faster" my Mom said.
Kadarating ko lang galing school. My mother was already wearing her elegant gown so as my older sister Cela.
She's wearing elegant black gown with deep neckline, mas lalo siyang pumuti dahil sa suot niya. Her make-up was simple. Just highlight her facial features.
"Nasa kuwarto ko na ba si Berny, Mommy?" I asked.
I didn't even greeted my sister. She's just crossing her arms and staring at me intently. Dire-diretso lang ako papunta sa itaas ng tumango si Mommy na nandoon na nga ang make-up artist na si Berny.
While I was heading upstairs, nakasalubong ko si Courtney. She's my youngest sister. I was ten years older than her so definitely she's just ten years old.
"Ate, gusto mo?" alok niya sa'kin ng kinakain niyang ice cream.
"Next time, may gagawin pa si Ate. Si Ate Clover mo nalang alukin mo" nakangising sabi ko.
Napapadyak naman siya sa sahig kaya natawa ako sa kanya. Nakita kong umirap din siya. Looks like my younger sisters gestures are all like me. Gayang-gaya niya lahat ng galaw ko.
"Ate naman, alam mong mas gusto pa ni Ate Clover na magbasa ng books kaysa kumain kami ng ice cream together" she said.
"Edi samahan mo nalang siyang magbasa ng books. Tatalino ka pa like her" I said while smirking.
Nag-umpisa na akong umakyat ulit sa hagdan. Nakita kong sumusunod sa'kin si Courtney. I must say that I am her favorite sister.
Ate Cela was stiff and perfectionist. She don't want to saw any mistakes while you were infront of her. She's just like Mom. While Clover, my third sister. Mas matanda ako sa kanya ng dalawang taon. She's a nerd and also intovert.
I saw on my peripheral vision that she rolled her eyes again and shot her brow. Sumubo siya ng ice cream na nasa isang maliit na bowl
"I hate books. I hate to study" I laughed a bit.
She's so like me.
"Alright, just watch Berny how he's doing my make-up. Okay?" I said.
"Yes, Ate" she said happily.
Pumasok na ako sa kuwarto ko and there he is. Berny was sitting pretty on my bed. She's holding a book.
Tumaas naman ang kilay ko. Itong baklang 'to. Nakikialam na naman ng mga gamit ko. Nang makalapit na ako ng tuluyan. I saw what he's holding.
Oh my gosh.
Bakit ko ba hindi naitabi 'yon?
It's an album. It looks like a book kaya hindi ko agad napansin.
"Bernardo!" pagkuha ko sa atensyon niya.
Nagulat pa siya sa presensya ko at mabilis pa sa alas kuwatro na itiniklop ang album. Binalik niya sa side table at nagpatay malisya ng tumayo at inayos na ang mga gamit niya.
"Cerene naman, kadiri huwag mo akong tawaging Bernardo. It's Berny" maarteng sabi niya.
"Whatever. Bakit ka na naman nakikialam ng mga gamit ko?" tinaasan ko siya ng kilay at umupo na.
"Hindi ka pa ba nasasanay Ate? Isumbong mo kay Mommy" Courtney suggested. She's smirking too.
"Good idea" nakangising sabi ko. I winked at her.
Namutla naman si Berny dahil sa sinabi naming magkapatid. Kapag sinumbong namin siya kay Momm, siguradong mawawalan siya ng trabaho. Ang pinaka-ayaw pa naman ni Mommy ay pakialamero.
"Oh, Berny bakit hindi ka pa kumikilos?" I was smirking, enjoying on his reaction.
"H-Huwag naman ganoon, Cerene" nauutal ng sabi ni Berny.
Nakita ko namang mahinang humahagikhik si Courtney. She's also enjoying Berny's reaction.
"I'm just kidding, okay? Ayusan mo na nga ako" nakangising sabi ko.
Nakita ko namang nakahinga siya ng maluwag dahil sa sinabi ko. Nag-umpisa na siyang ayusan ako. Inuna niya ang buhok bago ang mukha.
"Bakit naka-bun?" I asked him.
"Off-shoulder gown ang suot mo, mas maganda kung nakataas ang buhok. Kitang-kita ang collar bone mo para pak na pak" Berny explained.
Nakikipagkuwentuhan kami sa kanya habang inaayusan niya ako. Alam kong hindi niya nagagawa ito kapag si Mommy at Ate Cela ang inaayusan niya.
Nang matapos ang buhok. Mukha ko naman ang inaayusan niya. Nag-umpisa na siyang lapatan ng foundation ang mukha ko.
"Sino yung mga nasa album Cerene? Infairness lahat guwapo" mataray na sabi ni Berny.
Kinikilig pa siya na parang may ini-imagine na kung ano habang bine-blend sa mukha ko ang foundation.
"Her collection of boys" sagot ni Courtney.
"Ay taray! Naging boyfriend mo lahat ng 'yon?" he asked.
Now he's concealing my eye bags. Hindi naman sa pagmamayabang pero wala ng itatagong iba sa mukha ko kundi eye bags.
"Nope" nakangisi kong sagot.
"Fling niya lahat ng 'yon" si Courtney na naman ang sumagot habang kumakain pa rin ng ice cream.
Bakit parang hindi naman nauubos ang kinakain niya?
Eksaherada namang napatakip sa bibig niya si Berny. Napatigil pa siya sa paglalagay ng concealer.
"Oh my! As in lahat ng fafa na nandoon?" he asked, kumikislap pa ang mga mata niya na parang ini-imagine ang mga mukha ng nasa photo album.
Duh! Syempre ako pa ba? Hindi ako pipili ng pangit 'no? Ang una kong tinitingnan ay look, syempre dapat bagay sa dyosang katulad ko.
"Pahingi naman kahit isa lang" he pouted.
Jusmiyo mahabagin, hindi bagay sa kanya. Nagmumukha siyang tanga kapag nagpa-pout.
"Feel free, ipapakilala pa kita. Ituro mo lang" I said.
"As if naman magugustuhan si Berny ng mga naging fling mo, Ate. They don't like gays kaya" singit na naman ni Courtney.
"Ay kaloka ka Courtney, may damdamin din kaming mga bakla" Berny replied.
Kinuha niya ang photo album at binuklat 'yon. Courtney knows everything about my flings. Last year niya lang nalaman. She's smart so I don't think I can hide something from her lalo pa at nakita niya ang photo album ko noon.
I know that she's too young to know everything but in this generation. My sister should be open minded about that thing. Her age right now, I am very sure she have crush already and my sister is pretty. She can get any guy she want to. Pero ayaw ko siyang matulad sa'kin. Ayaw kong gayahin niya ang ginagawa ko.
Actually, tumigil na nga ako. After what happened to my bestfriend. Maybe I'm afraid? I'm not brave like her. Bilib nga ako sa kanya. Kinakaya niya.
"Close your eyes gurl" ani Berny.
Ipinikit ko naman ang mata ko. Naramdaman ko ang marahang paghagod ng brush sa aking talukap. Magaan ang kamay ni Berny. He have magical hands. Exclusive lang siyang nagtatrabaho para sa'min.
After one hour or so he finished my hair and make-up. Binigay na niya sa'kin ang susuotin ko. I opened the huge box and I saw a white off-shoulder elegant gown.
Sa walk-in close ko na ako nagbihis. I was staring at my beautiful face. Simple lang ang ayos ko pero bagay sa'kin.
I took a mirror shot bago ako lumabas ng walk in closet. I pose in the mirror like a pro. I'm starting to get modeling offers simula ng mag-college ako. Pangarap ko na talaga simula pa lang and also my Mom want this too.
Paglabas ko naabutan kong nag-uusap na si Courtney at Berny.
Ang baklang 'to talaga. Tintingnan na naman ang mga album. I heard she's asking Courtney who's that guy he's pointing in the album.
"He's Kuya Halter" sagot naman ni Courtney.
My sister is really smart huh? Isang beses ko lang sinabi sa kanya ang mga pangalan ng lalaking kasama ko sa picture pero tanda pa rin niya.
"Ito? Yan ang pinakahandsome, pinaka-hot at pinaka-yummy" may pa-lip bite pang nalalaman 'tong baklang 'to.
Kinikilabutan talaga ako sa kanya. Mas bagay maging lalaki kay Berny. I'm sure he will be my crush kung magiging straight man siya.
"Naku! Huwag yan Berny. Lagot ka kay Ate" ani Courtney.
"Bakit naman? Hindi ba ex-fling na yan lahat ng Ate mo? Wala siyang naging boyfriend kahit isa" sabi ng talanding baklang 'to.
"Yes, but-" hindi na natapos ni Courtney ang sasabihin niya dahil nakalapit na ako.
Tumaas ang kilay ko ng makita kung sino ang tinutukoy ni Berny. Talaga lang ha? Yang lalaking yan ang pinaka-gwapo sa lahat?
Well, tama naman siya.
"Ito na Cerene, kahit ibigay mo na lang sa'kin ang number ng fafa na 'to" malanding sabi niya.
"No way!" tanggi ko agad.
"Ay bakit? Ang pogi-pogi kaya nito. Pahiram kahit isang gabi lang" Berny said, his voice was full of malice.
"Eww" komento ni Courtney.
"Yung bunganga mo Berny, nandito yung kapatid ko. Bata pa yan" saway ko sa kanya.
"Sorry, Courtney kunwari wala ka nalang narinig" ani Berny.
Hinarap naman niya ako. Kinuha pa niya ang album at iniharap mismo sa'kin.
"Ito talaga, Cerene. Ipapakilala lang naman. Ang damot-damot" inirapan ako ni Berny.
"Whatever. Huwag yan iba nalang" kinuha ko sa kanya ang album at pinakita ang iba pang mukha.
Lahat naman guwapo pero itong baklang 'to. Ayaw paawat. Talagang gustong malaman kung sino.
"Pangalan nalang Cerene" huling tawad niya. "I won't talk to him. Titingnan ko lang ang social media accounts. I will save his photo on my phone and set him as my lockscreen and wallpaper and--" nagniningning naman ang mga mata niya habang sinasabi niya 'yon.
Nakangiwi kami pareho ni Courtney habang pinapanood siyang mag-imagine.
"Stop it, Berny"
Natigil naman siya dahil sa isang katok. I'm sure it's my Mom. Tumayo na si Berny at umayos ng tindig.
Tama nga ako bumukas ang pinto at iniluwa noon si Mommy.
"Done?" she asked.
Tumango naman ako. Hindi ako makapagsalita ng balbal kapag si Mommy ang kaharap ko. She don't want to hear that I'm talking that way. As much as possible, she want her daughters to look perfect, elegant, stiff, sophisticated and many more.
I don't like that. I'm not like that but I'm trying my best now while I am infront of her. I am trying my best to be her ideal daughter.
Parehas nga kami ng bestfriend ko. Magaling umarte sa harap ng magulang.
"Yes, Mom. Susunod na po ako" I said politely.
Nang makaalis si Mommy. Nag-umpisa na namang magtanong si Berny. I know he will never stop until I confess that guy name.
At para matahimik na ang baklang 'to. Sasabihin ko na ang pangalan. Pangalan lang naman. As if papansinin siya ng lalaking 'yon. I know he's very picky on his girls and gays was never his thing.
"Sino na?" tanong ni Berny.
I sighed heavily before I finally said his name..
"Raf Zamora" I said and storm out of my room.
It's been a long time since I saw that guy. I don't have news about him or I'm just avoiding from hearing news about him?
Siguro yung pangalawa. Siya ang kahuli-hulihan kong naging fling. After him, wala na. I don't know? Nawala ako ng gana? Tuwing susubukan kong makipag-date at hang-out sa iba, wala akong excitement na maramdaman.
It's okay though. I'm just focused on my studies. Simula ng hindi ko na maging classmate si Zoila, natuto akong mag-aral. Mahirap ma-zero sa exam.
Nag-uumpisa na rin naman ako ng modeling career. Ayaw ko ng may pumipigil sa'kin. Lalo pa at ang ibang shoots ay sensitibo and it shows too much skin.
"Finally you're done. Let's go" my older sister said and stand sophisticatedly.
She's just a year older than me. Hindi sa pagmamayabang pero mas mahubog ang katawan ko kaysa sa kanya.
Tamad na tamad pa akong mag-excercise samantalang siya thrice a week sa gym.
Nauna siyang maglakad papunta sa sasakyan. Kasunod naman ako at nahuhuli si Mommy na may kausap sa phone.
"Anong klaseng party na naman ba ang pupuntahan natin?" tanong ko kay Ate Cela.
"Birthday party. It's 25th Birthday of Ralph Zamora" she said.
Oh no! Is it his brother? Kung kapatid niya 'yon. Nandoon siya!
E, ano naman ngayon kung nandoon siya Cerene?
I calm myself. Bakit ba akong nagpapanic? Right! I don't need to panic. He's just nothing. He's just your ex-fling and it's been years since the two of us parted our ways.
I convince myself.
"Do you know the Zamora's? You look bothered." puna ng kapatid ko.
"No, familiar lang" pagtanggi ko.
I don't know if she knew about my flings years ago. We're not in the same school anyway. If they knew, so what? It's just normal. I'm sure my Mom also knew about that. She knows everything when it comes to her daughters.
Hindi nagtagal sumakay na rin si Mommy. We're heading now to a five star hotel. Doon gaganapin ang party. Ang mga mayayaman nga naman walang magawa sa pera nila.
"Cela, Cerene, don't forget to always smile. Maraming media sa labas" paalala ni Mommy.
"Yes Mom" sabay naming sabi.
Si Mommy ang unang lumabas ng sasakyan. Kasunod ako and Ate Cela.
Sanay na ako sa ganito. Since I was fifteen. My mother was always bring me to this kind of event. Nakakasilaw na kislap ng camera ang sumalubong sa'min.
I am just smiling. Dire-diretso ang lakad ko. May ibang nagtatanong pero wala akong ni isang sinagot.
Nang makalampas na ako sa media. Agad na nawala ang ngiti ko. Nakakangalay mang-peke ng ngiti.
Nawala kaagad sa paningin ko si Mommy. Mabilis siyang napahalo sa mga bisita. I was searching my Mom when I met his familiar eyes.
His deep set of gray eyes.
"Raf" I whisphered.
-----
3:43 PM. July 20, 2020