Maisie Joy POV INILAPAG ko ang mainit na baso ng kape sa harap ni Lorcan. "Suwerte ka at nakatingin si Tatay sa akin. Kung hindi ay kanina pa kita tinusukan ng kutsilyo sa leeg," ismid ko sa abnoy na pinsan ko na tinigil ang pagbabasa sa diyaryong hawak nito. Inilapag niya iyon sa lamesa. Nasa kusina kami ngayon at malapit lang si Tatay. Nasa sala siya. Hindi ganoon kalaki ang bahay namin kaya malapit lang ang bawat parte ng bahay. May isang palapag sa taas, simpleng two-storey ang bahay namin. Dalawang kuwarto sa taas at isa rito sa baba na siyang kuwarto ni Tatay. Tinatamad raw kasi s'yang pumahik pa sa taas kaya mas gusto niyang siya rito sa kuwarto sa ibaba. Mayroon na ring banyo rito sa baba, may kusina at sala. The common one. "Ako na nagmagandang loob bilhan ka ng kailangan mo,

